Kabanata 4 : Emperio Kings

750 64 15
                                    

Kabanata 4 : Emperio Kings
Manila

"Aray ano ba?" natatawang sabi ni Dim sa mga kagrupo ng isiksik siya ng mga ito sa box.

"Huwag kang magalaw diyan at baka masira iyong box." sabi ni Wine kay Dim.

"Hahahaha. Hindi ako makahinga." natatawang sabi ni Dim.

"Hahaha! Magtiis ka. At huwag kang malikot dahil may ribbon pa tayong ilalagay." natatawang sabi ni Shadow.

"Mga buweset kayo, ang sikip hindi talaga ako makahinga." sabi ni Dim na tila siya sardinas na nasa lata.

"Hahaha hindi ba? Sandali." tumatawang sabi ni Bullet at kumuha ito ng stick at pinagtutusok ng bahagya ang box na ikinatawa ng lahat.

"Hahahaha. Iyan para ka ng manok." tumatawang sabi ni Blaze ng may butas na kaunti ang box.

"Hahaha. Ilagay mo ang ilong mo diyan sa maliliit na butas para may hangin kang malanghap." tumatawang sabi ni Aqua kay Dim.

"Mga buweset kayo, hindi ko kayo babalutuhan at tutal totoong Prinsesa ang kliyente ko, huhuthutan ko muna iyon bago ko pakawalan." sabi ni Dim na ikinatawa ng lahat.

"Hahaha." reaksyon na tawa ng buong grupo.

Nasa Blaze Hotel ang grupo ni Autumn para ihanda si Dim bilang regalo sa bride-to-be sa isang bachelorette party na dadaluhan nito. At tulad ng napag-usapan tanging kakapiranggot na saplot lamang ang magiging suot ni Dim at may ribbon sa leeg na kulay pula.

At ang box na pinaglalagyan dito ay korteng alak. Malaki naman ang box, iyon nga lang dahil malaking tao at matangkad si Dim, isama pa na first time niya sa ganoong klaseng box na korteng bote ng alak kaya naiilang siya at hindi sanay.

"Insan, puwede ka naman umupo." sabi ni Rhythm kay Dim habang nasa loob na ito karton at inaayos nila ang pagkakabalot ng kahon kung nasaan si Dim.

"Uyyy, bilisan niyo at baka dumating sila Daddy, naku kasama nila sila Althea at si Haco." sabi ni Blaze sa mga kasama.

Napangisi si Aqua, nasa pribadong kuwarto sila ng hotel. Iyong tipong hindi sila makikita dahil ang unit kung saan sila ay tipikal lamang na ginagamit ng mga customer ng Blaze Hotel. Hindi kasi sila puwede sa Penthouse ni Blaze o gumamit ng special private room ng hotel dahil panigurado mabubuko sila.

"Huwag kang matakot. Kausap ni Faith si Althea at kapag nag-uusap ang mga iyon umaabot hanggang gabi." sabi ni Bullet kay Blaze na ikinatawa ni Aqua at Heaven.

"Pagkatapos natin dito pagtulungan natin buhatin at isakay sa chopper." sabi ni Heaven.

"Langya, may helipad ba doon para sa malaking chopper?" tanong ni Ion kay Heaven.

"Oo, private subdivision ang pupuntahan natin. Malawak ang lupa at may helipad." sabi ni Heaven.

"Sino magpapasok sa bahay ng kliyente?" tanong ni Rhythm.

"Siyempre tayo na rin. Pero magtakip tayo sa mga mukha, dahil mahirap na baka may makakita sa kaguwapuhan natin." sabi ni Wine na ikinatawa ng lahat.

"Hahaha. Ang pupuntahan natin ay may mga bakla daw. Mahirap na, hindi pa naman alam ni Shadow mag- distinguish ng babae sa bakla. Baka ang mahubaran ni Shadow ay bakla." sabi ni Ciao na ikinatawa ng grupo.

"Siraulo, may betlog pa rin iyon na nakaumbok at kahit na tinanggal nila iyon. Alam ko na wala pa rin kabibe." sabi ni Shadow na ikinatawa muli ng grupo.

H13 : The Callboy : Dim and Freya: CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon