All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Aiden's POV"
After that event sa Sala Apolo ay naging matamlay na itong kapatid ko. Laging nagkukulong sa hotel na tinutuluyan namin. Hindi na siya nasasama sa pamamasyal ko. At kahit na anong pilit ko eh ayaw parin. Di ko tuloy maiwasang maalala ang mga nangyari doon sa Sala Apolo. I couldn't imagine na magiging ganon ang treatment ni Zenon sa amin, lalo na kang Saikha. Zenon loved my sister so much to the point na kahit masaktan siya ni Saikha ng paulit-ulit ay titiisin niya. Boto nga ako sa kanya eh at the same time humahanga ako sa kanya. Dakilang martyr lang kasi... At si Saikha naman saksakan ng pagkatanga at sobrang manhid...
.
Minsan napapaisip ako kung paano kami naging magkapatid nitong si Saikha. Eh, masyado kaming magkaiba lalo na sa pananaw sa buhay. I always think first before doing anything. Laging utak ang sinusunod ko rather than my heart... Minsan ay nakakagawa tayo ng desisiyon na sa tingin natin ay tama dahil sa ito ang sinasabi ng ating puso na nagdudulot sa atin ng sobrang pasakit. At minsan ay nakakasakit na tayo ng iba ng dahil sa mga desisiyong ito ng hindi natin namamalayan.
.
Galit ako. Galit ako kay Zenon, hindi dahil sa ginawa niyang pag-iwan kay Saikha o sa ginawa niya nitong nakaraan. Galit ako sa kanya dahil pinili niyang masaktan at maging miserable ang kanyang buhay. I hated him for giving up! Gaya ng kapatid ko ay pinili ni Zenon ang puso niya. Pinili niyang wag nang masaktan pa. But come to think of it, sinong niloko niya? Niloko lang niya ang sarili niya dahil hindi ang paglayo at pag-iwas ang sulusyon sa problema nila. Nakita ko sa mga titig ni Zenon na hindi parin nawawala si Saikha sa puso niya. He's just hiding it behind his pokerface and flowery words...
.
Mga baliw lang! Ewan ko sa kanila.. Nakaka-stress kung iisipin ko.... Well, this could be the end of their love story. Klaro naman na ayaw na ni Zenon na mainvolve sa buhay ni Saikha. Isa na lang ang dapat gawin ng kapatid ko.
To accept it, na wala na. Na tapos na! And move forward nalang.....
.
"Saikha's POV"
Ang akala kong masayang bakasyon turned out to be a disaster. Lalo lang akong nalungkot, lalo lang akong nasaktan! Natapos ang isang buwan naming pagbabakasyon sa Spain ng hindi ko man lang namamalayan. Hindi na kasi ako lumalabas ng hotel eh magmula nung nagkita kaming muli ni Zenon sa isang famous tourist place sa Spain.
.
Lagi na lang akong naiiyak kasi at nagmumukmok. At kahit anong pilit ni mama, papa at Aiden na lumabas ako eh ayaw ko parin. E sa hindi ko talaga feel na magsaya at mag-enjoy. That time lang ulit ako naging sobrang malungkot since Zenon left me two years ago. Binuhos ko nang lahat-lahat sa pag-iyak. And promised to myself na hindi na ako muling iiyak sa parehong rason, dahil kay Zenon.
.
Fine, hindi ko ipipilit ang isang bagay na malabo nang mangyari. From now on I will start a new life. I will open my doors again for everyone and for all posibilities. Naging aloof kasi ako sa ibang mga tao this past years I beacame less sociable ako, yung tipong loner.
.
"Sai, baba na. Kakain na tayo." tinig ni Aiden sa labas ng kwarto ko.
"Saglit lang chini-check ko pa ang mga gamit ko." sagot ko sa kanya habang busy sa pag-aayos ng mga gamit ko sa school.
Fourth year na ako ngayon. And today is the first day of school kaya heto aligaga sa pag-aayos. Dapat maayos akong tignan noh.
After masiguro na wala akong nakalimutan ay tumayo na ako at bumaba para kumain dala ng bag ko. Naka siple grey dress lang ako na may waist belt na kulay itim. Above the knee ito at maiksi ang sleeve kaya kita ang balikat ko. Tinernohan ko ito ng while sandal na medyo mataas ang heels. Hindi ko feel before ang magpa-kikay sa pananamit pero itong si Aiden kinukulit ako. Ginawa akong human doll at kung anu-ano pinapasuot sa akin. Pero infairness bumabagay sa akin ang mga pinapasuot niya. Kaya heto ako at nakabihis.
BINABASA MO ANG
Fight For Love (SAANL Book 2)
RomanceSa paglisan ng isa, maraming mga pusong nasaktan, mga pusong nagmahal ng lubusan. May pag-asa pa bang maghilom ang sugat ng kahapon? O tuluyang maging mahid at matigas na gaya sa isang bato ang puso? Halina't muling subaybayan ang kwentong nagpaiy...