SAANL2 3-1: First Day of Tears

141 6 1
                                    

All Rights Reserve ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Monique's POV"

        I am now outside the restroom ng administration building at nagsisimula nang maglakad-lakad papasok sa loob ng campus. Kaunti pa lang ang mga estudyante na nakakasalubong ko. Sa pathway ako dumaan, mabagal lang ang lakad ko hindi naman ako nagmamadali eh. Besides maghahanapan pa kami ng rooms. Una kong nadaanan ang education department na kaharap ng open field... May mga mangilan-ngilan na ring tao doon. Sa field naman ay nakita ko ang mga hardinero na may hawak na grass cutters na nagtatabas ng damo dahil medyo tumubo ang mga damo doon.

.

Dahil sa ang kurso ko ay Computer Science ang department namin ay ang Technological Science Department na unfortunately ay nasa pinakadulo ng university. Along the way ay madadaanan ko ang Engineering department at Nursing Department at maging ang Science Department... Naka sandals lang ako na hindi kataasan ang heels kaya keri lang ang paglalakad. Naka cream colored dress lang ako at shoulder bag na katamtaman lang ang laki.

.

"Hi Monique!" bati sa akin ng mga naging kaklase ko last year.

.

"Oh, Hello!" masigla kong bati sa mga ito.

"Alam mo na ba ang schedule mo for this semester?" tanong ni Arian na naging kaibigan ko at kaklase for the past two years.

"No, not yet. Papunta pa lang ako sa department to get it." simple kong sagot.

"Ganon ba? Naku sana magkaklase parin tayo!" nakangiti nitong sabi.

.

"Sana nga."

"Sige, punta muna kami ng cafeteria." paalam nito sa akin.

       Tumango na lang ako at napangiti. Kumaway ito ng nilingon ko siya. I waved back. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakarating na sa harapan ng department building namin. Marami akong nakitang kakilala nang nagsimula akong pumasok at maglakad sa hallway. Mga players ng soccer team at ng basketball team kadalasan ang mga ito..

.

Member kasi ako ng pep squad ng Jarden University kasama ng kaibigan kong si Leanne na siyang squad leader namin. Nginingitian ko ang mga ito in return at tuloy lang sa paglakad.

.

"What took you so long?" ikinagulat ko dahil sa may nagsalita sa gawing kaliwa ko. Sa may gilid ng hagdan papuntang second floor. Nakalean ito sa railings... Si Wesley.

.

"Nakasalubong ko kasi si Arian sa pathway at nakipag kwentuhan sandali." sagot ko rito.

"Ganon ba? Sige, sabay na tayo sa loob ng department office. Hindi pa ako pumapasok sa loob hinihintay kasi kita." sagot niya sa akin.

.

Bat ka kasi naghintay? Did I told you so? Minsan naiisip ko kung bakit biglang naging mabait itong si Wesley sa akin. Dati kasi ni wala siyang pakialam kung may kasama akong kumain o kung ano na ang ginagawa ko. Hindi ko naman siya matanong dahil sa ayokong kausapin ito ng masinsinan. Naisip ko na baka nakonsensya lang siya dahil sa hindi magandang treatment niya sa akin noon.

.

"Hindi mo na dapat akong hinintay." mahina kong sabi.

"Monique, your my fiance at dapat lang na gawin ko to." sumeryoso ang mukha nito.

Fight For Love (SAANL Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon