"My Husband was A Gangster"
—CHAPTER 10—
Kate's POV
Kasalukuyan kaming nandito ni Freya sa loob ng japanese restaurant dito sa mall pumipili ng order.
"I'll take this one...shrimp tempura" ngiting sabi ni Freya habang tinuturo yung choice nya.
"Pork tonkatsu please" saad ko.
Ngumiti lang ang waiter at tuluyan ng umalis sa harapan namin.
Lumingon ako sa gawi ni Freya na kasalukuyang nag seselfie. Magsasalita sana ako ng bigla kong naramdamang vibrate sa bulsa ko.
I see my Kuya Raizen calling me so I answered it.
—ON CALL—
"Hi kuya!" Bati ko kay Kuya.
"Hi Lil sis how are you?, kamusta ang school, where are you na?" Kuya Raizen.
"Kuya ang dami mong tanong..." Sambit ko
".... First I'm fine, Second school is also fine, and where am I? andito ako ngayon sa mall with Freya" sagot ko.
"*Sigh* okay, Lil sis I have good news for you" excited na saad ni Kuya.
"What?" Tanong ko.
"I'm going home next week, and I have a surprise and I'm sure mom and dad will be shock" saad ni Kuya.
"Luhh ano po yung surprise nyo sige na sabihin mo na" naka pout kong sabi.
"Nope I won't say it hangga't hindi pa ako nakauwi..." Saad ni kuya.
"...Okay I need to go I have something important to do" sabi ni kuya at pinatay na ang tawag.
—END OF CALL—
Ng pinatay na ang tawag, kasabay na rin dun ang paglagay ng waiter ng aming orders sa table.
Nagkwentuhan lang kami ni Freya buong magdamag haggang sa 4:00 pm na umuwi na kami.
—Fast Forward—
Lumabas na ako sa cr ko dahil kakatapos ko lang mag night routine kasalukuyan akong naka suot ng sando at short ngayon.
Humiga na ako sa higaan ko at tuluyan ng nilamon ng antok.
AND EVERYTHING WENT BLACK...
—MORNING—
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya bumangon nako at pumunta sa Cr ko at ginawa ang morning routine ko.
Pagkatapos nun ay sinout ko na ang uniform ko.
Ang uniform namin ay white with red na sleeves tas yung skirt namin maikli lang sya na skirt haggang hita tas color black with red. And long socks na may naka printed na M.A.UPagkatapos kong sinout yun bumaba na ako nadatnan ko dun sila mommy na kumakain ganun parin ang ginawa ko hinalik*n ko ang mga pisngi nila at sinimulan ng kumain.
—Fast Forward—
Nakarating na ako sa school nakita ko sila Jane sa gate na hinihintay ako kaya tinawag ko sila lumingon naman din sila sa akin.
"Andito ka na pala narinig mo ba yung rumors?" Tanong ni Kim sakin habang papalapit ako sa kanila.
"Anong rumors?" Tanong ko.
"Sa 2 weeks daw ay may sports festival na magaganap dito sa university may mga students din sa ibang school na pupunta dito especially ang mga athletes" paliwanag ni Jane.
"Sumasali ka ba sa sports Kate?" Tanong ni Kim umiling lang ako.
"Hindi eh, magagalit si daddy pag nalaman nyang sumali ako hindi rin naman ako papayag na sasali dahil may low risk ako sa bones ko especially pag nag bebend ako ng body" saad ko sa kanila at tumango lang sila.
"Hindi rin naman ako sasali dahil maging host ako sa basketball game ng boys at si Jane naman sasali sa volleyball girls kaya nga sya busy mamayang hapon kasi may practice sila" paliwanag naman ni Kim sakin.
Hindi ko akalaing volleyball player si Jane.
"Maging host ka sa basketball game?" Tanong ko Kay Kim.
"Oo, everytime kasi na pag may ganap dito sa university ako ang host...hindi naman sa hindi ko gusto excited nga ako eh hahaha pero hindi lang naman ako ang mag hohost marami pa" saad nya tumango lang ako.
Patuloy lang kami sa pag usap pero napahinto kami ng may mayamang sasakyan ang huminto sa fountain area ng school.
Nakita ko dun kung paano nagulo ang students at nag bulungan.
"She's back" sabi ni Jane at Kim.
Dahilan para maguluhan ako.
———————————————————
Oppss Sino kaya Ang bagong character? Hulaan niyo Hahaha.