011

792 33 2
                                    

Don't expect awesome spelling or correct grammar! x

This is rush update time check it's already 10:30 pm and few hours from now we're off to Baguio na!

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 2

Nasa kwarto ako ngayon. Pinapanuod yung video greetings na ginawa nilang apat kanina. Sa totoo lang naghahanap pa ako ng timing kanina para sabihin yung about don sa 'birthday surprise' kaso inunahan na ako ni Calum.

Kaya heto nandito na.

Pinapanuod ko na yung birthday greetings nila para kay Clary.

Nakakatuwa kasi game silang lahat. Akala ko nga wala sa 'mood' si Luke gaya ng sinabi ni Cal sakin kasi nga may pagkamoody 'daw' yung lalakeng yon.

Pero kanina nung tinitignan ko siya he was smiling at nakikipagunahan pa humawak ng camera.

Sa totoo lang dahil sa kakulitan nilang apat nakailang take sila. Madalas kasi sinusubukan nilang magseryoso pero may biglang tatawa ng malakas.

Hindi na nga sila nakapagpractice dahil don at sa tingin ko naman they don't mind it.

I click the 'play' button once again at nakita sila Calum, Mikey, Ash at si Luke sa screen.

-FLASH BACK-

"Ito naman wag mo ng problemahin yon Gabby akong bahala sayo at isa pa kung si pareng Luke naman ang lalapitan yakang-yaka yon. Ikaw pa ang lakas mo kaya sa taong yon." He said confidently.

Tinignan ko siya agad and he just grin at me. Yung cheeky grin na trade mark niya na madalas kong naririnig kay Kris na kinaiinisan nito.

Tinaas niya yung kamay niya at nagfist bump kaming dalawa.

His arm was still slung around my shoulder habang naglalakad kami papunta sa kabilang building.

Sanay na ako na inaakbayan parati kasing ginagawa nila Cal at Mikey yon. They're my close friends at hindi na sila iba sa akin they're like my brothers pero alam kong sa point of view ng mga tao ngayon na nadadaanan namin malayong-malayo don yung idea na naiisip nila.

I tried to ignore them as much as I can ayoko naman kasing magpa-apekto sa mga sinasabi nila although kadalasan below the belt na yung naririnig ko.

That's life.

That's part of high school life and you need to deal with it or else ikaw mismo ang talo sa huli.

"May dala ka bang camera?" Tanong ni Calum sakin.

Oo nga pala.

Yun yung importanteng gamit na kailangan ko ngayon. Yung DSLR ko naman nasa bahay. Kung hihiram naman ako sa club namin baka hindi ako mapagbigyan and to top of it hindi naman about school newspaper ang gagawin ko.

Umiling ako sa kanya.

"Naiwan ko sa bahay yung DSLR ko.... Phone ko na lang siguro?"

"Pwede na yan kesa wala." He insist. Malapit na kami sa music room ng mapansin ko yung mga taong nakatayo don.

Mostly girls.

Fan Girls.

"Anong meron don?" Bago ko pa masabi narinig ko si Cal na nagsalita.

Sinulyapan ko siya at nakatingin din pala siya sakin.

"I don't know."

Lumapit na kami at napansin ko yung babae na tinuro yung direction namin ni Cal.

RAKISTA Love Affair Season 2 (5SOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon