First Month

14 1 0
                                    

Isang buwan na nang nakalipas simula nung first day of school. Ang bilis no? Sa isang buwan na yon, hindi pa tayo nagkikita. Kahit nung monthsary natin, hindi tayo nakapagkita kasi sabi mo busy ka. May ginagawa kayong group project. Maintindihin naman akong tao e. Alam ko namang mahalaga yun. Kahit na prepared na ako non at yung regalo ko. Yung regalo ko? Yung dati mo pang hiling sa akin bilhin ko. J.CO donuts. Syempre hindi naman pwedeng itago ko yon hanggang sa magkita tayo. Di ko naman alam kung kailan ulet tayo magkikita. Kaya pinakain ko nalang sa mga kamag-anak ko. Ang sakit lang kasi nung binati mo ako, hindi na katulad ng dati. Yung sobrang haba at sobrang sweet. Pero naiintindihan ko naman kung bakit ganun lang kasi busy ka nga. Isang buwan na akong nangungulila sayo. Na sana magkita na ulit tayo. Miss na miss na miss na kasi kita. Sana ako miss na miss na miss mo na din ako. Kasi hindi ka na nagsasabi sa akin ng mga ganung bagay e. Dati nga kakakita lang natin tapos kinabukasan, sinasabi mo agad na miss mo na ako. Pero bakit ngayon? Hindi na? Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Kilala mo ako. Kung gaano ako katindi mag-overthink ng mga bagay bagay. Iintindihin ko nalang. Alam ko naman kasing busy ka. Basta yung mga bilin ko ha? Mahal na mahal kita. Miss na miss na din kita. Ingat ka palagi.

Love,
Your Kate

Her Journal of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon