Graduation Day

13 0 0
                                    

It's my graduation day! Naalala mo ba nung tayo pa? Sabi mo kapag nalipat na ako sa 1st section, kailangan kasama ako sa mga honor students. Kahit na sinabi kong hindi ko kaya, pero alam mo ba? Ako ang Class Valedictorian ng batch namin. Ikaw at si Mommy ang inspirasyon ko para makuha ko yung posisyon na 'yon. Naisip ko, baka kapag nalaman mong naging Valedictorian ako, bumalik ka sa akin. Kahapon yung recognition. Nagpost naman na ako sa FB, hindi ko lang alam kung nabasa mo na. Kasama ka pa nga sa Valedictorian Address ko. Alam mo ba sabi ko? Na ikaw yung dahilan kung bakit ako nandun sa harap nila bukod kay Mommy. Hindi ko hinayaang umiyak ako kasi ayokong ipakita sa kanila na mahina ako. Pero sa loob loob kong gusto kong umiyak nang umiyak. Thank you for being my inspiration. Kahit na wala nang tayo. Simula nung nagbreak tayo, gabi gabi akong umiiyak. Kapag nasa school na ako, hindi ko pinapakitang mahina ako. Kasi kailangan hindi ako magpaapekto sa mga bagay kahit na sobrang nasasaktan ako. Nagfocus ako sa mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Sa school, malakas ako. Sa bahay, sobrang hina ko. Mag-isa nalang ako dito sa bahay simula nung nawala si Mommy. Binibisi-bisita nalang ako ni Tito dito para malaman kung okay lang ba ako. Alam na din ni Tito na wala na tayo. Ikaw at si Mommy na nga lang ang meron ako, nawala pa kayo parehas sa buhay ko. Dito ko nalang nalalabas lahat sa journal ko kahit na minsan lang ako magsulat dito. Nagsusulat lang ako dito sa tuwing may araw na hinding hindi ko makakalimutan. Hanggang ngayon wala pa din akong balita sayo. Nagexam ako sa lahat ng universities. Pero ang 1st choice ko is sa school mo. Gusto kasi kitang sundan e. Baka sakaling balikan mo ako. Eto na naman ako, umaasa na namang babalik ka. Kahit sobrang labo na. Bakasyon na at hindi ko alam kung paano ko maililibang ang sarili ko para makalimutan ang mga masasakit na pangayayari sa buhay. Hay, sana nandito ka ngayon pinapasaya ako.

Love,
Kate

Her Journal of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon