Our First Anniversary

14 0 0
                                    

Araw ng Anniversary natin ngayon. Akalain mo yun? Isang taon na tayo! I texted you kaninang 12am para batiin ka. Bukod sa birthday ko, isa din ito sa mga pinakahihintay kong araw na darating sa buhay ko. Alam mo, kahit na sobrang cold mo na talaga sa akin at parang hindi ka na masaya sa akin, hindi pa din ako bibitaw. Nagpromise tayo sa isa't isa diba? Kaya hindi ko sisirain yung promise natin sa isa't isa. Walang pasok ngayon kasi sembreak na. Simula nung pasukan, hindi pa tayo nagkikita. Iniiwasan mo ba ako? Ayaw mo bang magpakita sa akin? Ilang buwan na akong iyak ng iyak tuwing gabi. Nagiimagine nang kung anu-ano. I miss you Keith. Sobra. Ako kaya? Namimiss mo din kaya ako? Parang hindi na kasi. Alam mo ba? Araw araw kong pinagdadasal na bumalik ka na sa dati. Hindi ko iniisip na may iba kana, kasi alam ko namang hindi mo magagawa yun sa akin. Kahit na yung mga kaibigan ko sinasabing hiwalayan na daw kita kasi parang wala na daw ako sayo. Sawa ka na ba? Ano? Sabihin mo sa akin. Hindi ko na kasi maintindihan lahat e. Kasi kahit ngayon, hindi mo pa din ako binati. Ilang buwan na ang nakalipas nung huling nag-I love you ka sa akin. Nung pasukan pa ata yun. Hay ewan. Umaasa akong babatiin mo ako kahit simpleng "Happy Anniversary! I love you." lang. Hihintayin ko yun. Ingat ka palagi! I love you always.

Love,
Kate

Her Journal of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon