I need you

20 0 0
                                    

"Keith! Kailangan na kailangan kita ngayon! Kahit ngayon lang. Magreply ka naman sa mga texts ko sayo! Nagmamakaawa ako. Please. Please. Please." Text ko yan sayo simula kaninang umaga. Kailangan na kailangan talaga kita ngayon. Kasi alam mo ba kung bakit? Kasi sinugod sa ospital kanina si Mommy. Pagkagising ko kaninang umaga, nalaman ko sa Tito ko na sinugod sa ospital si Mommy. Iyak ako ng iyak. Si Mommy na nga lang ang meron ako mawawala pa. Alam mo namang wala na din si Daddy at si Tito nalang ang sumusuporta sa akin. Pumasok pa ako kasi sabi ni Tito pumasok ako. Break time namin, I received a text mula kay Tito. Sinabi niyang wala na si Mommy. Nakatulala lang ako magdamag sa room namin. My teachers tried to ask me kung anong nangyari. Pero di ako sumasagot, iniyak ko nalang. Hinayaan na nila ako, kasi nalaman na nila nangyari. Nakarating na sa school kasi nga diba? Active si Mommy sa school. Umuwi ako ng bahay nang nakatulala lang. Dumiretso ako sa kwarto at hinintay na dumating yung kabaong ni Mommy. Hindi na ako pumuntang ospital kasi hindi ko kakayanin. Tinext kita ng tinext pero hindi ka nagrereply. I tried calling you pero cannot be reach ka. Kahit ngayon lang Keith. Kahit ngayon lang. Kailangan na kailangan kita.

Love,
Kate

Her Journal of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon