My Birthday

16 0 0
                                    

Birthday ko naaaaa!! Sobrang excited ako sa araw na to kasi eto yung unang araw na makakasama kita sa kaarawan ko. Naalala ko, sinabi mo kapag college kana ang gagawin mong schedule wala kang pasok sa araw ng birthday ko. 6pm na, dumaan na yung lahat ng inimbita ko. Mga kaklase ko dati, yung mga tropa ko at mga kaklase ko ngayon. Kada may tatawag sa labas ng bahay namin, umaasa akong ikaw yon. 8pm na, wala ka pa din. Kahit na gabi na, umaasa pa din ako. Bakit nung birthday mo naman? Hindi naman kita pinaghintay. Sobrang nag-effort ako noong birthday mo. Kasi gusto kitang mapasaya. Sabi mo nung araw na yun, ayun best birthday mo ever. Pero bakit ngayong birthday ko, di ka man lang nageffort? Pati bati mo sa akin, hihintay ko. Sa facebook, sa twitter o kaya sa text. Sa tuwing tumutunog yung phone ko, nagbabasakali akong ikaw 'yon. Pero ni isang text, tweet o chat mula sayo, wala akong natanggap. Ang sakit sakit. Nakalimutan mo ba? O sadyang kinalimutan mo talaga? Kung nakalimutan mo, okay lang sa akin. Papatawarin kita. Pero kung sinadya mo, ewan ko nalang. Maraming nagbigay sa akin ng regalo. Ayoko sanang tanggapin pero para daw sa akin. Yung gustong gusto ko kasing matanggap ngayong birthday ko ay iyong presensya mo. O kaya yung regalong mula sa'yo. Umasa ako ngayong araw na kahit ngayon lang magiging sweet ka sa akin. Kasi sobrang cold mo na. Hindi na ikaw yung Keith na kilala ko. Ibang iba sa dating nakilala ko. After makaalis ng mga kachurchmates ko dito sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto ko, hindi para buksan yung mga regalo, kundi para umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak. Hinihintay ka magtext, magtweet o magchat. Pero wala. Sinulat ko 'to halos madaling araw na. Kagigising ko lang kasi mula sa pagkakatulog sa pagkakaiyak ko. Kahit nung gumising ako, wala ka pa ding text o kahit ano man. Habang sinusulat ko 'to, di ko mapigilang umiyak. Miss na miss na kita. Okay lang na di mo naalala yung birthday ko, basta bumalik ka lang sa dati. Yung Keith na dating sobrang sweet, caring, understanding, clingy at kung anu ano pa. Ayun yung birthday wish ko. Bumalik na sana sa dati yung Keith na minahal ko nang sobra. But still, kahit na ganyan ka hinding hindi magbabago yung pagmamahal ko para sa'yo. Mahal na mahal kita Keith. Mahal na mahal. Ingat ka ha? Sana okay ka at masaya ka ngayon.

Love,
Kate

Her Journal of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon