Darkest Day

10 0 0
                                    

Araw ng libing ni Mommy nung makareceive ako ng text mula sayo. Hindi ko binanggit sayo na namatay si Mommy at hindi ko din pinaalam sa mga kaibigan mong kaibigan ko din. Sinabi ko sa mga pinsan kong kaclose mo na 'wag sabihin sa'yo kasi baka magtext ka dahil naaawa ka lang. Ang astig mo din no? Ang sweet kasi ng text mo. Sobrang sweet. Sa sobrang sweet naibato ko yung cellphone ko. Keith bakit?! Bakit moko iniwan?! Sabi mo diba, hindi moko iiwan?! Hindi moko pababayaan?! Ako lang gusto mong pakasalan at makasama hanggang sa pagtanda mo?! Keith naman! Bakit ngayon pa?! Nagsisisi ako kasi hindi kita nainform. Kasi alam ko kung nalaman mo yun, hindi ka makikipagbreak ngayon. Sising sisi ako. Kaya bumalik ka na oh? Saan ba ako nagkulang? Araw-araw naman kitang tinetext para mapaalala sayo na mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Tinetext kita kahit na hindi ka nagrereply. Keith, sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko! Wag namang ganito oh. Hindi ako titigil na itext ka araw-araw kahit na bumitaw kana. Kakapit pa din ako. Hindi ko igigive-up yung lahat ng pangarap natin sa isa't isa. Hindi ako bibitaw. Hinding hindi.

Love,
Kate

Her Journal of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon