Chapter 8

2 0 0
                                        

Ciello's POV

Ciello mag-ingat ka sa mga kasama mo, nasa malapit lang ang kalaban mo

Ciello mag-ingat ka sa mga kasama mo, nasa malapit lang ang kalaban mo

Ciello mag-ingat ka sa mga kasama mo, nasa malapit lang ang kalaban mo

Paulit ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabi ni Reo.

Pero sino? Naguguluhan ako. Sino ang maari at hindi maari kong pagkatiwalaan. Ipinikit ko nalang ang aking mata para makalimutan ito pero nag flash naman ang nakangting mukha ni Reo.

Ano bang nangyayari sa akin? Am I crushing on Reo? Pero imposible, kase mahal ko si Yuhan. Mahal mo nga ba talaga si Yuhan? Arrgg...napasabunot nalang ako sa aking ulo sa pagkakalito. Nakakafrustrate hindi naman ako kagandahan jusq napatampal nalang ako ng aking noo sa mga pinanggagagawa ko.

"Ciel, kulang ka lang sa tulog, ipikit mo lang ang mata mo at matulog ka na" patuloy ko pa din kinukumbinsi ang sarili kong matulog.

"arrrggg" napasabunot at napagulong lang ako sa kama ko sa sobrang pagkafrustrate. Bakit ba kase ang sweet nya?! Nakakafall amp

Bumaba nalang ako para uminom ng tubig. Nadatnan ko si Kuya Ethan na nanonood pa rin ng tv sa sala habang kumakain ng popcorn.
Pagdaan ko sa harap nito ay bigla nalang akong binato ng isang pirasong popcorn.

"why did you do that kuya?" singhal ko dito habang sapo ko pa rin ang noo ko kase dun ito tumama

"wala lang" ismid nito

"para ka kasing tangang ngingiti ngiti dyan"
Napahawak ako sa labi ko kung nakangiti ba talaga ako. I froze when I realize what am I doing.

"kuya naman eh! Ba't mo ba ko ginogood time ha!" hinahampas ko na sya ng unan pero umilag lang ito.

"what!?" inihinto ko ang paghampas dito at nakipagtagisan ng tingin sa kanya.

"okay I concede" itinaas pa nito ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko.

"umupo ka ng dito at ikwento mo sa akin" ipinatong nito ang dalawang kamay sa cushion na nasa mga hita nito. Nagmukha tuloy kaming on the hotseat tapos siya ang host ako naman ang mala celebrity guest.

"maya nalang kuya, akyat muna ako magbibihis lang" umakyat na agad ako sa hagdan at tinakbo ang kwarto ko.

I immediately closed the doors at sumandal sa likod ng pinto. Sinapo ko ang dibdib ko and I can feel that my heart is pounding so fast. I know na hindi ito dahil sa kabado ako, kundi dahil sa isang foreign feeling na nararamdaman ko ngayon. The heck! what's happening to me? Humiga ako sa kama at na pa buntong hininga nalang.

Biglang kumatok si kuya ethan na para bang anong oras ay sisirain nya na ang pintong iyon.

"hoyyyy! Tapos ka na ba? Bilisan mo naman mag e enterview pa ako sayo" patuloy pa din ito sa pagkatok sabay pihit sa seradura ang pinto kahit alam naman nitong naka lock.

"ito naman si kuya oh! Chismoso na, demanding pa" sabay bato ng unan sa pinto.

"anong sabi mo"

"wala kuya, sabi ko gwapo ka, kaso bingi ka" sinadya ko talagang hinaan yung dulong part para di nya marinig.
Nagbihis nalang ako ng pantulog bago bumaba gigisahin din naman ako ni kuya eh.

"there you are my lovely cousin, hali ka rito dali! Bilis!" he's laughing and clapping his hand like there's no tomorrow. Nabaliw na ata ng tuluyan.

I sat in the couch in front of him and making an indian sit position.

Ona HoslandimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon