Fist day of school
Maaga akong nagising para pumasok. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko na si kuya na nagkakape at ready na pumasok .
Nakikiangkas ulit ako sa motor ni kuya. Ipinark ni nya ang kanyang motor sa parking lot ng school na nasa basement 1.
Tumuloy na kami sa mga designated buildings namin. Nakita kong tumahimik ang mga tao sa hallway nang lumabas na kami ni kuya, may mga nagkukumpulan at nagbubulongan pa.
Teka, bat ganyan sila makatingin sila saken?
“Kuya may mali ba sa suot ko? Ang panget ko ba? May dumi ba ako sa mukha? Kinuha ko pa talaga ang compact mirror ko sa bag at tinignan ang sarili ko sa salamin para makasigurado.
At sa tingin ko naman ay walang kakaiba sa mukha ko.
Tumingin lang ako kay kuya na parang nagtatanong kung anong nangyayari.
“wala wag mo na silang pansinin” walang gana nitong sagot.
“luh sino sya”
“Transferee ata”
“ang kapal naman nang mukha nya para lumapit kay fafa Ethan”
Is she out of her mind? Ano naman masama paglumapit ako sa pinsan ko? Abay parang timang 'tong mga chismosa na to.
Iilan lang yan sa mga naririnig kong bulong bulongan, pero ang naka agaw ng pansin ko ay yung lalaking gwapo kaso naka liptint kasama ang mga hipon na alipores nito na singpula ata ng aswete ang pinangliptint dito.
“at sino ka namang malanding hitad na didikit dikit sa asawa ko ” tanong nito sa akin
“huh? what do you mean?” nagtataka kong tanong dito.
Is he somehow referring to kuya Ethan?
Kailan pa nagka asawa yung pinsan ko? Ni girlfriend nga wala akong nabalitaan eh.
Nabalot pa ng pagtataka ang mukha ko nang may biglang humila sa braso ko.
“don’t mind them ” sabi ni kuya
“o-okay” nalilito pa din ako sa pinangsasabi nila. Ano ba si kuya dito, ssg president? In fairness ang famous ha!
Dumating yung mga kaibigan ni kuya, si Frank at Yuhan lang ang kilala ko sa kanila kase nakita ko sila dati na dumalaw kina tita. Seven sila lahat puro matatangkad kung si kuya ethan ay 5’10, mga six footer ata tong mga kaibigan nila. Si kuya frank ay 5’10 pareho sila ni kuya ethan habang si kuya Yuhan ay 5’11 pareho silang matitipuno, well-toned body at moreno.
“hi kuya yuhan, hi kuya Frank” bati ko sa dalawa
“hello din baby” pang-aasar ni kuya yuhan saken
“kuyaaaaa….. Do I look like a lil girl to you like duh I’m already in grade 10? ” I querulously asked him,
“ilan nga ulet height mo?” he ridiculously asked,
"Five flat” yamot kong sagot dito
“tinganan mo na five feet ka na ngalang flat ka pa. Ipa vulcanize na yan!” pang-aalaska pa nito kaya sinuntok ko sya sa balikat.
Hindi naman malakas pero ayos na para maramdaman nya. Tahimik lang na nanonood sa amin si Frank. Sa kanila talaga magkakaibigan napansin kong si Frank pinakatahimik.
“tama na yang asaran nyo, ipapakilala ko muna sila sayo ito si Karlos” turo nya sa katabi ni frank na matangkad na may dalang bag ng Hp na laptop

BINABASA MO ANG
Ona Hoslandim
MizahYasmien Ciello Olivar was born with a golden spoon who lacks family attention. She tried her hardest to reach her parent's patience limits. Until one day, her parent's gave up to her misbehaviour. She was sent to a countryside to live like a normal...