Austrias povHumarurot na ako ng alis hindi ko pa man nakikita ang sasakyan na huminto ay nasisiguro kong pamilya yon ni erlyn, kaya umalis na ako, wala akong balak na makipagkilala sa magulang ni erlyn sapat na sakin yon, nang makauwi ay bunganga nung apat ang bumalot sa ingay may didilim dilim na rin
"Young lady! Ang pagkain nyo ay nakahain na",saad ng mayordoma
"Sila ang pakainin nyo, nagugutom yung apat mauna na ako sa kwarto", tumango ito,
"Ang tatay ho nga pala sa isa sa maid na pinayagan nyong tumira dito ay nakabalik na dito, nasa maid room sila ngayon", tumango lang ako saka umakyat, pagkaakyat ko sa kwarto ay hinubad ko ang leather jacke saka pabato iyong nilagay sa sofa saka ako humiga ng pabagsak sa kama, nakatitig ako sa kisame, hindi ko talaga maiwasang mapaisip sa lahat lahat ng lumapit sakin isa lang ang taong nakaramdam ako ng pagkagaan ng loob, kay erlyn lang siguro dahil kagaya nya ako dati?? Dahil siguro? Ang ugaling mayron sya ngayon ay ganyan din ako noon?? Napahawak ako sa dibdib ko nga makaramdam ng kirot ng maalala ko ang imahe ni mommy, napabangon ako ng maalalang sa isang linggo na pala ang kaarawan ni mom, ilang buwan na akong hindi nakakabisita sa puntod nya, kaya nahiga ulit ako, napatingin ako sa veranda ng makitang bumuhos ang malakas na ulan
"Sa tuwing umuulan may masamang nangyayare sakin bagay na kinakatakutan ko sa tuwing umuulan",bulong ko, saka nagbuntong hininga at kinalma ang sarili, bumangon ako at hinarang ang kurtina sa may glass door ng veranda para hindi makita ang labas, nag lagay ako ng head phone, para hindi Marinig ang nakabibinging patak ng ulan
'Kailan ba mawawala ang sakit??',
Napapikit ako sa naisip kong yon, hanggang ngayon masakit sakin ang nangyare lalo na sa parte na pinaka hindi ko akalain na magagawa nya sakin
'nagawa mo kong ipagpalit para sa sarili mong kasiyahan',
Marcial pov
Napaupo ako sa kama, at huminga ng malalim umuulan sa labas, kaya naman tumungo ako sa may bintana at kahit na may salamin iyon nakikita ko ang bawat patak ng ulan, hindi ko maiwasang masaktan, sa sarili kong kamalin, umuulan ng mamatay ang asawa kong si Ayesa dahil mas pinili ko si Olivia, umuulan ng makita kong umiyak ng todo at masaktan ng sobra ang anak ko habang pilit na inuuga ang katawan ni ayesa na wala ng buhay, umuulan ng mas piliin ko si Olivia at shannel kaysa sa sarili kong anak na si daisy, umuulan ng palayasin ko sa mismong pamamahay ko ang mahal kong anak, na alam kong walang mapupuntahan at pwedeng mapahamak sa labas sa mura nitong edad, umuulan ng umuulan ng mga araw na hinanap ko ang anak ko pagkatapos kong marealize ang naging mali kong desisyon, umuulan ng mga oras na umaasa akong makikita ko ulit ang anak ko na nasaktan ko at pinagtabuyan ko, umuulan ng nga oras na nangungilila ako sa anak ko, namimiss ko ang lambing at mahinhin nyang boses, namimiss ko ang kakulitan at kadaldalan ng anak ko, ginawa kong daisy foreign si shannel na anak ni olivia sa una nyang asawa, ang batang babae na hindi ko kadugo, kaseng edad nya ang anak ko kaya naman para hindi ko masyadong maisip ang anak kong si daisy ginawa ko si shannel na daisy, para kapag tatawagin ko sya ay para kong kaharap at kausap ang anak ko, alam kong mali yon dahil kung nalaman ng anak ko na hindi ko alam kung nasaan ang ginawa ko iba malamang ang kanyang iisipin, pero wala akong magawa nangungulila ako sayo anak ko, hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko ng sunod sunod maiinit yon ay para akong mapapaso, pero hinayaan ko, naninikip ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni mommy sakin ng syang nabubuhay pa, inatake sya sa puso dahil sa nalaman nyang ginawa ko sa kanyang apo hindi nya matanggap ang huli lang nyang sinabi
'balang araw! Pag sisisihan mo ang ginawa mo sa apo ko marcial! Ito ang tatandaan mo! Gagawa at gagawa ang dyos ng paraan para kayo ay mag tagpo sa oras na magkita kayong muli! Sya naman ang gagawa ng ginawa mo sa kanya!',
Napapikit ako, at napahilamos sa muka, tumungo ako sa labas ng kwarto at dumeretso sa office ko, saka ako umupo sa harap ng computer ko at binuksan ang gallery non, kumalma ako ng makita ang litrato ng anak kong si daisy, napangiti ako ng mmalaki
'daddy! Gusto kong maging artista kagaya ni mommy!! Yung nakikita sa tv!',
Saad ng aking anak noon, gustong gusto nyang maging artista kagaya ni ayesa kilala si ayesa bilang isang magaling at mahusay sa larangan ng pag arte, at talagang humahanga si daisy sa kanya,
'talaga anak?? Kung ganon! Mang yayare yon kapag ikaw ay malaki na!! Wahhh!',
'yeehhheeyy!! Pag nasa TV na ako! Daddy! Dapat kasama ko kayo ni mommy ha!!',
Napatakip akong bibig ng maalala na naman yon, lahat ng oras na kasama ko ang anak ko simula ng ipanganak at hanggang sa tumungtong ng walong taong gulang ay hindi nawawala sa isip ko kailanman, hinding hindi
'oo naman anak ko! Syempre anak ko si daisy foreign! Kaya naman andon si daddy panigurado yan! Hahahaha!',
Umalingawngaw ang tinig ng usapan namin non, habang masayang nag kikilitian sa kama, sunod non ay ang pag pasok ni ayesa sa kwarto
'oh? Kayo talagang mag ama! Ang iingay nyo! Rinig hanggang baba!',
Sermon ni ayesa pero dahil si daisy ang little angel namin, ay nakisali ito sa kulitan naming mag ama, at hindi kami makatanggi non kay daisy na tatalon talon sa kama habang tuwang tuwa, ang ngiti ng anak ko ay talagang, ang pinakamagandang ngiti sa lahat, kamuka nya si ayesa at parang mag kabiyak nakakapantampo dahil ilong ko lang ang namana ng aking anak sakin, pero ayos lang basta anak ko si daisy sapat na yon, lahat ng yon nawala dahil sakin, nagsimula kaming mag away ni ayesa, dahil sakin, nahuli nya akong kasama si Olivia na hindi ko akalain na sisira ng ipinangako ko sa harap ng simbahan noong pinakasalan ko si Ayesa, hindi yon alam ni daisy dahil umaasa kaming maaayos namin, pero dumating ang gabi na may nagtangka sa buhay namin iyon ay ang nahuli kong criminal, at nakalaya na pala, at binalikan kami, pinapili ako kung sino kay ayesa at olivia, hindi ako nakaimik hanggang sa si Olivia ang babarilin iniwas ko si olivia pero hindi ko akalain na ang tatamaan non ay si ayesa, na ikinatigil ng mundo ko, oo! Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa pag kawala ni ayesa, mahal ko sya at mahal na mahal hanggang ngayon, lingid iyon sa kaalaman ni olivia, dahil alam kong masasaktan sya kapag nalaman nya, tanging pinakasalan ko sya dahil kinalaunan ay nalaman kong buntis sya kay erlyn non, yun yung araw na pag kalibing ni ayesa ay pinapili nya ako, si daisy ba o sila, tinakot nya ako na ilalayo si erlyn sakin na nasa sinapupunan nya natakot akong baka saktan nya ang sarili nya at madamay ang anak kong si erlyn, kaya wala sa sarili kong pinili sila kaysa sa anak kong si daisy, isang bagay na pag kakamali ko bilang isang ama,
'alam ng diyos kong gaano ko kamahal ang mag ina ko sadyang naligaw ako ng landas, landas na kahit kailan hindi ko na mababalikan',
Chapter 26
Erlyn pov
Akmang baba ako ng marinig ko ang isang hagulgol na pilit pinahihina ang tinig, kaya naman sinundan ko ang ingay na yon dinala ako sa harap ng office ni dad, saka ako dahan dahang sumilip sa pinto, parang may kung anong dumurog sakin ng makita ko si dad na umiiyak sa harap ng table, at nakabukas ang computer nito, patay lahat ng ilaw sa buong kwarto at tanging computer lang ang tanging liwanag, pinag masdan ko si dad na tumayo saka tumungo sa may closet at kumunot ang noo ko ng makita ang hawak nitong dress, bumalik ito sa upuan nya saka pinagmasdan ang dress at niyakap ito na parang isang nangungulila sa may ari nito,
'kanino ang dress na yan??',
Maganda ang dress sa nakikita ko mukang mula ito sa isang bata maliit ang dress pero maganda, pang bata ang dress, pero natigilan ako ng maalala ang batang nakita ko sa computer ni dad, na suot ang dress na hawak ni dad,
'sino ba kase yung batang babae na yon??',
Sinara ko ang pinto ng dahan dahan, saka ako naglakad pababa sa kusina, hanggang ngayon ay iniisip ko ang kinikilos ni dad sa ganitong oras tuwing uulan kase ay nakikita ko ang matamlay nitong katawan at mata, habang nakatingin sa labas na umuulan, pagkatapos non ay tutungo sa office nya at maririnig ko ang iyak ni dad, lagi ko syang nakikitang ganito at hindi ko naman maitanong dahil baka magalit sakin, napasandal ako sa counter saka napatingala, pakiramdam ko kase ay may tinatago si dad, sa kilos nya mahahalata mo yon, napabuntong hininga ako saka umakyat uli, dumeretso ako sa kwarto tumingin ako sa pinto ng office ni dad, saka ako pumasok ng tuluyan sa kwarto ko at nahilata don, may pasok bukas at hanggang ngayon hindi ako makatulog kakaisip kung ano ba talaga ang tinatago ni dad samin, at sino ang batang babae sa computer nya??
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!
BINABASA MO ANG
The Hidden Daughter Of Luchavez
ActionThe girl who has been betrayed by his own father at age of eight.