Erlyn povHinatid ako ni Arnold ng matapos ang klase sa parking lot, sinundo ako ni dad don, kagaya ko ay mugto ang mata nito, nag bibiyahe na kami pauwi pero ako tulala at parang lutang ang isip, blangko ang utak ko ngayon nasasaktan naman ang puso ko, kusang tumulo ang luha sa mata ko ng maalala ang kanina, napapikit ako at pumikit bago isuksok ang sarili sa isang tabi
'hindi y-yon totoo!! H-hindi',
Tanging hikbi lang ang ginawa ko at hindi magawang magsalita, ng makauwi ay sumalubong si mom,
"M-marcial?",tinig ni mom kay dad, na sobrang tamlay at parang wala sa sarili, nilagpasan ko lang sila saka ako dumeretso sa kwarto at don ay dahan dahang naupo sa tabi bago bumagsak ang sunod sunod na luha sa mata ko
'p-patawarin m-mo ko erlyn k-kung hindi k-ko matutupad ang i-ipinangako k-ko',
Humagulgol ako ng Marinig ang nanghihina nyang tinig sa tenga ko kanina, gusto kong tumakbo papalapit sa kanya pero napaka imposible nong mangyare, niyakap ko ang sarili saka umiyak ng umiyak, nasasaktan ako at mas nasasaktan pa
'hayyyy!! Bakit ba kase ang takaw mo??',
'ang kulit mo! Sige tuloy mo lang!',
'kapag nasasaktan ka at kailangan mo ng kausap andito lang ako pwede ako',
'hahayaan kitang maging ate kung yun ang gusto mo',
'kahit masakit sa akin erlyn, basta ikakasaya mo ayos lang',
"A-ate!! N-nasasaktan a-ako!! N-nasan ka??? A-ate!!",pagtawag ko dito, nagbabakasali na dumating sya, ganon lang ako hanggang sa dumilim kinatok ako ng mga maid, pero hindi ako sumagot bagkus ay nilock ko ang pinto at nahiga lang sa kama at umiyak ng umiyak,
'sana pag gising ko ngiti mo na ate ang masilayan ko!',
Tumango ako at buong pag asa na mangyayare ang bagay na yon, pumikit ako saka sinubukang kalimutan ang kanina na baka sakaling bukas pag gising ko ayos na ang lahat, na babalik na sa normal, na bukas makikita at mayayakap ko si ate, alam kong kasinungalingan lang yon pero sana magkatotoo hindi naman masamang maniwala sa himala dba?? Kapag nangyare yon hindi na ako bibitaw kay ate, naramdaman ko ang mainit na likido na umagos mula sa mata ko patungo sa pisnge ko, at sunod sunod yon hanggang sa nilamon ako ng antok
Marcial pov
"M-may b-balita n-na b-",
"M-marcial?? S-sorry! I didn't m-",
"P-pakihanap ang a-anak ko, k-kahit b-bangkay lang n-nya!",namuo ang luha sa mata ko, ilang coast guard ang pinapunta namin don pero hindi nila mahanap ang katawan ng anak ko, para akong pinapatay sa naaalala ko kanina, pinatay ko ang tawag at naupo nandito ako sa may veranda, at nag papahangin hindi ako makatulog nasasaktan ako, habang tungga ang alak, hinayaan kong tumulo ang luha sa mata ko
'nagagawa kong iligtas ang iba samantalang anak ko hindi, nagagawa kong mabuting ama sa bayan pero sa sarili kong anak hindi, nagagawa ko ang lahat para sa iba samantalang sa anak ko hindi',
Paulit ulit kong pinagalitan ang sarili sa katangahan ko, napaka tanga unat sapul, dahil sa napaka walang kwenta ko, naalala ko ang imahe ng anak ko kanina sa screen ng department habang maputla at halatang nanghihina, mapungay ang mata at puro dugo at pawis at basang basa, ang bawat patak ng luha nya kanina ay parang kutsilyo sa puso ko, na nakakapag padurog sakin
'k-kahit sa k-kapatid ko na l-lang maging m-mabuti kang ama',
Humagulgol ako sa katotohanang yon, kahit kay erlyn ay hindi ako naging mabuting ama simula ng bata pa, hindi ko alam kung sadyang ganito ba ako o dakilang tanga at wala akong kwentang maging ama
BINABASA MO ANG
The Hidden Daughter Of Luchavez
ActionThe girl who has been betrayed by his own father at age of eight.