General marcial povNapahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang tao sa harap ng lapida ng aking asawa na si ayesa, nakasuot ito ng jacket na itim na may sombrero at naka mask, may dalang bulaklak na daisy, napatingin ako sa hawak kong bulaklak at parehas kami, ito ang paborito ni ayesa kaya ito ang aking dinadala ito rin ang dahilan kung bakit daisy ang pangalan ng aming anak, ang bulaklak, nagtago ako sa isang puno saka pinag masdan ang taong yon, kumalabog ang kaba sa puso ko ng magtanggal ito ng sombrero ng jacket at don ay nakita ang kasarian nito, mahaba ang buhok, isang babae, maputi at matangkad, napakapit ako sa puno at pilit inaaninag ang muka nito gusto kong lumapit pero ayaw ng aking mga paa, malayo layo ako kaya naman hindi ko marinig ang kanyang sinasabi pero sa pag galaw ng kanyang mga balikat ay nasisiguro kong sya ay umiiyak, may kung ano akong naramdaman
"I-ikaw ba yan daisy?? Anak ko?",wala sa sariling saad ko, napatitig ako sa babae na umiiyak sa harap ng puntod ni ayesa, kung sya nga ang aking anak hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, gusto kong lumapit para makasigurado ako, pero napanghihinaan ako ng loob sa tuwing iisipin ko na sya nga iyan hindi ko alam kung pano sya haharapin sa nakita kong hikbi nya ay hindi ko na alam kung pano sya patatahanin kung sya nga ang aking anak na si daisy, napatago na lamang ako sa puno at pinanonood sya, maya maya pa ay tumayo ito, at humarap sa gawi ko, nanginig ako at napaatras saka nanlalaki ang mata kong, parang akong sasabog halo halo ang emosyon ko, may pagkakahawig sya kay ayesa, ngunit may tattoo sa kanyang kaliwang mata, na guhit, inayos nito ang buhok at sinuot ant mask saka ang sombrero bago umalis tumungo ito sa isang magarang sasakyan, napatingin ako ron hanggang sa umalis saka ako lumabas sa pagtatago mula sa puno, Napa tulala ako sa kawalan
"M-maganda ang buhay nya?",may saya sa puso ko, hindi ako pwedeng magkamali, kamuka nya si ayesa kamukang kamuka nya, ngunit may iba, napapikit ako sa naisip kong yon, dali dali akong tumungo sa libingan ni ayesa saka tumingin sa dala nung babae kanina,
"Nasisiguro kong ang anak natin iyon ayesa, si daisy yon! Si daisy", masayang ulit ulit ko, tumulo ang luha ko sa sobrang saya,
"B-buhay sya! Buhay ang anak natin ayesa?? Hahahaha a-at m-maganda ang buhay nya", sambit ko, Napa ngiti ako habang tumutulo ang luha ko, hinawakan ko ang lapida ni ayesa saka ngumiti
"M-mahal?? P-pwede bang magkita kami?? T-tutulungan m-mo kong makita sya! Ha..t-tulungan mo kong h-humingi ng sorry sa anak natin mahal?? P-pwede ba?", napahagulgol ako ng iisiping makikita ko ang anak ko, halo halong emosyon ang nasa puso ko, saya, lungkot, sakit, galit, takot, lahat lahat andito sa puso ko, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko na investigator"Oh? Marcial?? Kung magt-",
"N-nakita ko ang anak ko! Nic! Nakita ko sya b-binisita nya si ayesa",masayang saad ko sa kaibigan ko na natahimik
"Ano?? Oh? Anong nangyare?? Kamusta nakausap mo ba?",
"H-hindi eh!",
"W-why?",
"H-hindi ako lumapit",
"What?? Bakit hindi ka lumapit! Hindi ba at matagal mo na syang hinahanap!!? Gustong gusto mong mahanap ang anak mo! Tapos ngayon andyan na hindi mo nilapitan??",may bahid ng inis ang tono nito
"N-natakot ako nic! A-alam mo naman ang n-nagawa ko dba?",
"Hayyyss!! Oh! Sya! Tutulong ako sa pag hahanap, sigurado ka bang sya yon?",
"Oo sigurado ako",
"Pano mo naman nasabi?",
"A-anak ko sya nic! Kaya a-alam ko, i-isa pa para syang kabiak ni ayesa, k-kamukang kamuka ni ayesa kaya si daisy yon ang anak ko yon nic! Anak ko yon! Si daisy yon!",saad ko saka namuo ang luha sa mata,
"Sige! Hahanapin ko sya tatawagan kita kapag may nalaman na ako ha",
"S-salamat nic!",
"You're welcome",pinatay ko ang tawag at tumingin kay ayesa, at ngumiti
"A-alis na ako ha! H-hahanapin ko anak natin! T-tulungan mo k-ko ayesa h-ha!? M-mahal h-happy birthday dadalaw ako ulit",saad ko at hinawakan ang lapida nito, saka ako tumayo dala ang halo halo emosyon, ay sumakay ako sa sasakyan at umuwi, kulay asul ang kotse nya at kapag nakita ko ay makikilala ko talaga, habang bumabiyahe pauwi ay lumilingalinga ako nag babakasakali na makikita ko sya, pero wala, nang makauwi ay sumalubong sakin si olivia
"Saan ka galing?",
"Sa station",pag sisinungaling ko, kumunot ang noo nya saka tumango
"Si daisy! Ay nasa isang show tara panoorin natin",akit nya tumango lang ako, at pinanood si shannel, na ngayon ay kilalang daisy, sa lahat ng dinaluhan kong achievements nya hindi ko magawang matuwa, oo nakangiti ako pero sakit ang nararamdaman ko,
'anak ko dapat yon, si daisy dapat, hindi si shannel, ang anak namin ni ayesa dapat, hindi si shannel',
Huminga ako ng malalim saka sumandal sa sofa, napatingin ako sa taas ng makitang pababa si erlyn, at nakabihis na pang alis
"Where you going?",tanong ko natigilan ito saka tumingin sakin
"S-sa kaibigan k-ko ho",saad nya, kumunot ang noo ko
"Kaibigan? Erlyn? Bakit hindi mo ipakilala samin ang kaibigan mo!? Para naman hindi kami nahihirapan na hanapin ka kapag wala ka dito alam namin kung saan pupunta",saad ni olivia,
"E-eh? M-",
"Erlyn, gusto namin syang makilala babae ka kailangan alam namin kung sino ang malalapit sayo",saad ko yumuko ito
"Y-yes dad! K-kakausapin ko sya tungkol don",saad nya
"U-una na po ako",sambit nya, tumango ako saka ito umalis,DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!
BINABASA MO ANG
The Hidden Daughter Of Luchavez
ActionThe girl who has been betrayed by his own father at age of eight.