CHAPTER 21

150 2 0
                                    


Olivia pov (mommy ni erlyn)

"Daisy! Sino ang nagsend sayo ng video?",tanong ni marcial na galit ang mata,

"D-dad! I-i don't know! Sinend lang sakij h-hindi nag pakilala",saad ni daisy, sa paglayas ni erlyn hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko may kung anong bumara sa lalamunan ko, sa lahat ng sinabi ni erlyn sakin nakita kong umiyak at humagulgol ang anak ko,

"Yung number? Nasaan?",tanong ni marcial

"W-why?",saad ko

"Ipapatrace ko! Kailangan malinawan ang sitwasyon na ito, kilala ko ang anak ko olivia! Hindi sya ganon!, Shannel! Nasan na!", napakunot ako ng noo ng tawagin nya sa tunay na pangalan ang anak ko sa unang asawa, ginawa nyang daisy si shannel para hindi masyadong mamiss ang anak nila ni ayesa na hanggang ngayon hindi namin alam kung nasaan,

"D-dad",

"Shannel! Akin na yung phone!", napatingin ako kay daisy na tinago ang phone sa likod, na hinigingi ni marcial

"Daisy! Ibigay mo sa dad mo! Baka ipo-",

"I'll fix it dad, don't worry, a-ako ng bahala dito, s-si erlyn find her baka k-kung anong mangyare sa kanya",

"Marcial! Tama si daisy! Mas mahalaga si erlyn, tara na hanapin na natin sya!",saad ko napailing si marcial saka tumayo, lumabas kami at sumakay sa sasakyan, nang makapunta sa bungad ng village ay huminto kami para magtanong sa guard

"General??",saad ng guard

"Nakita mo ba si erlyn?? Ang anak ko?",

"Nako general oho! Tumakbo po patungo sa direksyon na yon, tatawagin ko sana kaso ant bilis tumakbo eh", nagkatinginan kami ni marcial

"Sabihan mo kami kapag bumalik si erlyn dito ha!",saad ko

"Opo ma'am",saka kami umandar inikot namin ang kalapit na village kaso wala kaming nakitang erlyn, magtatanghali na pero hindi pa namin sya mahanap

"Ano ba kaseng naisip mo olivia! At kung saktan mo si erlyn! Ng ganon!", napatingin ako kay marcial

"Sinisisi mo ba ako marcial??",inis na tanong ko

"It's not like that!! Napapansin ko na lagi mong kinakampihan si shannel!?",

"Wow! Marcial!? Bakit hindi bat ikaw rin?",

"Olivia! Magkaiba tayo! Alam mo ang dahilan ko! Naaalala ko ang anak kong si daisy kay erlyn! Kaya ilag ako sa bata! Samantalang ika-",

"What?? Na mas pinapaboran ko si shannel?? Kesa kay er-",

"Bakit hindi ba???",

"You know what!? Hanapin na lang natin ang bata! Kesa mag bangayan!", galit na saad ko napailing sya saka humigpit ang kapit sa manibela, nag ikot ikot pa kami pero wala talaga, napabuntong hininga kaming umuwi

"Mom! Dad! Ano? Where's erlyn?",tanong ni daisy

"Hindi namin sya makita",saad ko pabagsak akong umupo sa sofa saka ako napasabunot sa buhok

'anong ginawa mo Olivia!!!',

Tumingin ako sa kamay ko, naalala ko ang ginawa ko kay erlyn kaninang umaga,

"Yes! Yes! Can you find her?? Thank you Jonathan! Thank you alam kong may hawak kang case don't worry maraming nag aasikaso ng case kailangan lang talaga namin mahanap si erlyn, yeah! Umalis sya kaninang maga sinubukan namin syang hanapin kaso h-hindi namin sya mahanap",tinig ni marcial, saka pinatay ang tawag

"Dad!",tawag ni Daisy kay marcial

"Not now daisy!", napatingin ako kay marcial ng umakyat ito sa taas ng laylay ang balikat

"M-mom? S-sorry h-hindi ko alam n-na aabot sa ganito, s-sana hindi ko na lang pinakita",lumambot ang muka ko sa sinabi ni daisy

"Shhh! It's okay, it's not your fault",hinaplos ko ang pisnge nito, saka nginitian






Erlyn pov

Nagising ako sa isang kwarto, dahan dahan akong nagmulat at parang sobrang init ng katawan ko at para akong mapapaso, natigilan ako ng makaramdam ng mabigat sa aking noo kaya kinapa ko iyon nakita ko ang isang towel na medyo malamig lamig ng kunin ko, dahan dahan akong umupo sa kama, at nilibot ang tingin sa kwarto, kwarto ito ni ate jewer, nilibot ko ang tingin dito ng may biglang kumatok, kumalabog ang kaba sa dibdib ko na baka si ate jewer yon pero mali ako, lumaylay ang balikat ko ng si ate sunny iyon na may dalang tray na nagulat ng makita ako saka ngumiti

"Gising ka na pala! Halika kumain ka muna ng gabihan",saad nya natigilan ako

"G-gabihan??",

"Hahahaha oo! Ang tagal mong magising eh, saka hindi ka muna namin ginising para makapag pahinga ka, nakita ka ng maid sa labas ng gate kaya naman ipinasok ka nila rito, wala si jewer kanina dito kaya dito ka namin pinagpahinga",aniya pa, may kung anong kumurot sa puso ko akala ko si ate jewer ang nag pasok sakin tapos nag alaga dito

"A-ate sunny a-andito b-ba sya??",tanong ko natigilan sya saka umiwas ng tingin

"Ahh! O-oo n-nagpapahinga lang, sige! Na kain ka na paniguradong gutom ka na",tumango ako, dahil nga mabigat ang pakiramdam ko sya yung nagsubo sakin, medyo mainit init ang sabaw at gumagaan ang pakiramdam ko ron, nang matapos ay may pinainom ito saking gamot para sa lagnat, kaya ininom ko iyon, nakasandal ako sa board ng kama habang nag papahilan, tingin ako ng tingin sa pinto at nagbabakasali na pumasok si ate jewer, pero wala, gusto kong umiyak pero dahil medyo sumasakit ulo ko ay napag pasyahan kong tumayo, at Tumingin sa mga pictures frame sa kwarto ni ate jewer, napangiti ako ng makita sya, may mga hawak na sandamakmak na medal at trophy,

"Magaling pala sa sports",saad ko, sports na hindi ko alam kung saan ako magaling, may pictures din na nakahawak sya sa guitara, habang nakangiti at kasama marahil ang daddy nya, napahinto ako ng pakiramdam ko ay pamilyar ang batang babae na nasa litrato, alam kong si ate jewer yon, dahil sya lang naman ang nag iisang cordial-civil pero parang nakita ko na kase ang litratong ito, napailing na lang ako, pinagpatuloy ko iyon, hanggang sa huminto sa isang babae ang paningin ko nakangiti, kumunot ang noo ko at nabuo ang pagtataka ng makilala ang babae

'sya yung dating asawa ni dad ang yumaong actress na si ayesa gomez luchavez',

"Idol nya siguro? Sabagay magaling na artista ang dating asawa ni dad",saad ko may nakapagsabi sakin na maid na mabait daw yung ayesa na yon, pero pinag tataka ko at ganon ang ugali ng anak nila ni dad, kabaliktaran huminga ako ng malalim saka binalik ang tingin kay ate jewer, napatingin ako at namangha ng makita ang kakaibang litrato na ito nakasando na itim at maong pants na itim saka rubber shoes, habang naka shades at may gloves ang dalawang kamay saka may hawak na!???

"B-baril???", gulat na saad, ko baka laruan lang? Oo laruan lang siguro,.bumalik ako sa kama ng makaramdam ng pagkahilo kaya naman nahiga na lang ako maya maya ay unti unti ay dinalaw ako ng antok

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon