TMIW 3

65 1 1
                                    

Lucky’s Point of View

Habang kausap ko ang batang si Ram sa kabilang linya, paunti-unti na akong naghahanda para pumunta sa address na tinutukoy sa text. Hindi na ako nagbihis nang magarbo. It’s a matter of life and death, ika nga. Alanganamang mag gown pa ako noh! Kahit gustuhin ko mang mag-ayos, NO, NO muna!

Kinuha ko ang aking kalupi at isinuot ang aking sapin sa paa. Bago ko pa man ako lisanin ang aming tahanan ay sinigawan ko na lamang ang aking ina na marahil ay nasa kanyang silid. Ipinaalam kong may pupuntahan muna ako sandali at magbabalik din naman kaagad. Sumang-ayon naman siya at ako’y kanyang pinayagan. Huwag lamang daw akong magpagabi’t  baka kung ako’y mapaano aniya. Pagkatapos niyon ay ako’y nagmadaling tinumbok ang sakayan.

Buwan ng Wika lang ang peg? Hahaha. Feeling makata! Tseeee! Back to normal na nga. Hindi nga ako magno-nose bleed sa kai-english, matutuyot naman ang dugo ko sa ilong sa malalim at matatas na pamimilipino. Hahahaha!

Okay. Ayun, eksena ako sa daan. Tumatakbo na naman ako ngayon. This time, ala-Eva Fonda naman ang peg ko sa pagtakbo. Napansin ko lang. Mapa-dreamland man o real world, takbo ako ng takbo. Ang sarap tuloy mag-soundtrip habang tumatakbo. Run the world by Beyonce! Or pwede rin namang Run Devil Run. Pero wag naman sanang buong world ang takbuhin ko at lalong hindi ako devil noh! My goodness!

Nang makarating ako sa labas, agad akong lumundag papasok sa loob ng unang taxing huminto sa front ko. May mauuna pa sana sa pagsakay sa akin pero pinagtulakan ko na siya palayo noh! Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya sa akin, ke niyurakan niya man ang pagkatao ko through words pero wala akong magagawa. I’m in haste. Kailangan kong magmadali upang iligtas ang kuya ng batang si Ram bilang ako naman talaga ang tagapagmana ni Wonder Woman ng kanyang super powers.

Agad kong sinabi kay kuyang driver kung saan ako patungo. Naisipan ko rin naman mag-bike nalang sa paglalakbay pero hindi ko na keri noh. Pagod na ang mga binti ko mula kaninang umaga. Medyo malayo rin kasi yung subdivision sa address kaya no choice na talaga ako.

“Kuya pakibilis naman oh.” Pakiusap ko kay kuyang driver. “Baka kung napaano na yung kuya noong bata.”

Tinignan niya muna ako ng may pagka-confuse sa kanyang mukha. Naguluhan siguro sa sinabi ko.

“Ah ganun ba, sige, sige.” Sagot nalang ni kuyang driver.

At ang kaninang akala mo’y nagpoprusisyong taxi ay nag-travel in speed of light. At dahil doon, in just minutes, nakarating din ako sa subdivision na tinutukoy sa address. Agad akong nagbayad at lumabas ng taxi.

Nagulat naman ang aking mga eyes sa nakita ko sa front ko. Pangmayayaman kasi talaga itong exclusive subdivision na ito sa pagkakaalam ko eh. As in pang super rich talaga. Yung mga rich kid na schoolmates ko dito nakatira eh.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nanakbo ako at tinungo ang entrance ng subdivision. My gulay lang! Umeksena pa talaga yung guard! Ayaw papasukin ang beauty ko nang basta basta.

“Ah ser, saan po ang punta ninyo?” tanong ni kuyang guard.

Tell Me I'm WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon