TMIW 4

43 0 0
                                    

Lucky's Point of View

Pagdating ko sa bahay, papalubog na ang haring araw. My goodness lang. Parang kanikanina lang kagigising ko lang mula sa isang nakakalokang panaginip tapos ngayon magsi-six o'clock na ng hapon? Parang may pakpak na rin ang oras sa sobrang bilis lumipas. Grabe langs!


Agad akong humilata sa sofa namin sa sala at ipinikit ang aking mga mata. Napagod ako sa maghapong 'to ha! Andaming ganap! Makatulog na nga lang para mapahinga.....


"ILLAC ALEXIS!" pasigaw na pambubulahaw sa akin ni mama na nakatayo sa gilid nang kinahihilataan kong sofa. "Anong oras na? Bakit ngayon ka lang nakauwi ha? Kanina ka pang tanghali umalis ngayon dumating ka na nang maggagabi na. Tinatawagan kita kanina hindi mo sinasagot tapos hindi na kita matawagan. Tumawag sa akin si Mika kanina. Tinatanong kung nasaan ka. Akala ko nga eh siya ang kasama mo. Alam mo naman ang panahon ngayon. Masyado nang delikado. Nag-aalala na ako sa 'yo kanina pa. Alam mo ba 'yon bata ka ha? At tsaka....."


"Ma!" pagputol ko sa declamation slash pagpi-preach slash oratory speech ni Mama na dinaig pa ang sermon ng mga pari tuwing misa. "Pagod ako."


Sa mahabahabang pagsasalaysay ni Mama, may mga bagay akong na-realize:


Una, talaga nga palang kinatodo ko sa pag-push ngayong araw ang pagiging concerned citizen ko at tumama ang hypothesis ko na antagal ko pala talagang nag-ala Darna sa pag-help sa nangangailangan. Di kaya maubusan ng powers ang pink na bato ko?


Pangalawa, ngayon ko lang din napansin na deadbat na pala ang phone ko. Hindi ko pala nai-charge kanina.


Pangatlo, ngayon ko lang din naalala si Mika at ang plano sana namin ngayong araw. Di bale, may bukas pa naman.


Panghuli, mahal na mahal talaga ako ni Mama. Kasi nag-aalala siya sa akin. Love ko din naman si Mama noh. Kahit na para siyang machine gun kung pumutak.


"Eh ano ba kasing mga pinaggagawa mo Lucky ha? Kanina ka pa umalis ng bahay at ang sabi mo sandali ka lang sa pupuntahan mo." Pagsisiyasat ng aking ina.


" Ma, mahabang kuwento. Saka ko na ikukwento sa 'yo kapag nakapagpahinga na ako." ganyan yung mga madalas kong napapanuod na sagot ng mga tauhan sa mga teleserye kapag ayaw nila ikuwento yung totoong nangyari. Pero ito kasing si Mama parang reporter o kaya naman ay interrogator, hindi titigil hangga't walang nakukuhang sagot.


"Hindi ka pwedeng maglakwatsa hanggang magpasukan hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong pinaggagagawa mong bata ka. Magmeryenda ka na muna jan at niluluto ko na ang hapunan natin at mamaya ka magpapaliwanag sa akin.....sa amin ng papa mo." Wika ni mama na parang ang tono eh yung mga pulis habang sinasabi na, "sumama ka nalang sa amin at sa presinto ka na magpaliwanag".


Eh ang malupit doon, si Papa? As in, si Papa na akala mo ay judge sa isang kaso kung usisain ang bawat galaw at kung may nagawa man akong hindi kaayaaya sa paningin nila ni mama? Oh my goddesses langs!


Nakikinikinita ko na ang eksena ng beauty ko mamaya. Si papa bilang judge na siyang huhusga sa kagandahan ko, chos! Si mama bilang ang nasa kabilang panig, at ako bilang nasasakdal. Naku, paano yan? Ayokong mag-ala preso at makulong dito sa bahay hanggang matapos ang bakasyon noh!

Tell Me I'm WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon