TMIW 1

137 1 0
                                    

“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!”, sigaw kong ganyan. Or more on tili ang ginawa ko. Ay hindi, nagpaka-Mariah Carey talaga ako sa pagkaka- whistle tone ko noh! Naku ha, ewan ko kung paano ako napunta sa gubat na ito. My goodness talaga! At kung bakit ako tumitili, ay dahil dito sa dambuhala, super chubby at eksenang baboy damong humahabol sa akin.

“My gosh kang baboy ka! Lubayan mo ako!”, bulalas kong ganyan. “Kapag hindi mo ako nilubayan ipapaluto kita kay Mama. Gagawin ka niyang barbique!” Naku, bigla tuloy akong nagutom sa pinagsasabi ko.

Feeling ko tuloy sa mga sandaling ito ako si Theresa sa movie na “Maze Runner” at hinahabol ako ng chakang griever. Wish ko lang talaga dumating na ang aking knight in shining armor na si Thomas, pero mas bet ko talaga si Minho doon eh. Ang sexy niya tumakbo. Hahaha.

At ayun na nga! Nagawa ko pang maglandi sa ganitong oras ng tiyak na kapahamakan. Nakakaloka naman kasi!

Takbo takbo pa akong ganyan. With poise syempre! Diba nga pinapanuod kami at inoobserbehan ng mga scientist ng WCKD (Wicked), kaya dapat maganda pa rin ako habang tumatakbo noh. Malay niyo kasama pala nilang nanunuod si Tyra Banks, makuha ko pa ang atensyon niya sa pagtakbo ko ala-Allison Harvard sa isang episode sa ANTM All Stars. Dapat fierce!

Maya-maya pa…

Hey! Look what I’ve found! Isang cave! My gulay! Ito na ang aking chance upang makapagtago sa baboy ramo na ito.

Nang medyo malayo na ako, ginamit ko ang aking agility to cleverly change my direction and hit the way to the cave!

“Huhhh, huhhh, huhhh…”, hingal akong ganyan nang makapasok sa nasabing cave.

Naku ha! Napaka-creepy naman here! At ang dilim ha!

 

“Of course naman noh! Magulat ka nalang kung pumasok ka sa isang cave ay madatnan mo ang nagniningningang mga ilaw at magarbong red carpet na naghihintay sa ‘yo noh! Heleeer! Gurl, cave ito, hindi palasyo!”, mahabang sabi ng malditang side ko. Oo nga naman!

Lumakad pa ako hanggang medyo malayo na ako sa bukana ng cave at naupo sa isang stalagmite na medyo flat ang pagkaka-form ng ibabaw.

Napahawak ako sa brest ko…..

 Breast talaga?! Hahaha. Chest lang pala. Parang itong stalagmite na inuupuan ko…FLAT! Habang hinahabol ang aking paghinga. Gosh! Hingal ako!

My goodness talaga! Ano bang ginagawa ko sa gubat na ito?! Dahil sa inis ko, kumuha ako ng mga stones at pinagbabato sa may kalayuan ng cave. Naiirita na ako! Paano ako napunta sa… napatigil ako sa mga thoughts ko nang biglang may nag-roar, hindi mala-Katy Perry ha! Nakakatakot! May monster here! Huhuhu…

 

“Malamang meron nga! Cave nga diba? At ang creepy pa kamo. Panigurado meron nga!” , pananakot ng kontrabida na kanina’y nagmamaldita kong side. Tseee!

At dahil sa madilim sa loob ng cave, I fumbled my hands para magsearch sa kahit anong bagay na maaari kong gawing pang-self-defense sa kung ano mang halimaw ang mayroon dito sa loob ng cave na ito.

Tell Me I'm WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon