TMIW 6

28 0 0
                                    

Lucky's Point of View

Matapos umalis ni Rex. Naiwan ako doong nakatayo at pinagmamasdan siyang tumakbo palayo.


"HOY LUCK! ANYARE?" halos mapalundag ako nang gulatin ako ni Mika mula sa likod ko.


"Ano ka ba naman friend! Bakit kailangan mong manggulat?" ani ko.


"Para kang retarded jan gurl! Nakatulala ka lang. Kanina ka pa namin hinihintay eh. Tapos na rin kaming magbayad. Nandoon sa may exit nitong bookstore, katabi ng guard si Xander. Nandoon din yung mga pinamili natin." Tuloy-tuloy na sambit ni Mika. "Anyare ba?"


"Ah.....wala! Tara na nga." Sabi ko nalang. "Maya ko nalang bayaran yung sa amin ni Xander kapag nasa foodcourt na tayo. Meryenda muna tayo bago umuwi."


"Go! Bet ko yan." Ani Mika.


Tinungo na namin ang way palabas ng store nang wala akong Xander doon. Puro pinamili lang namin ang nakikita ko. Tinignan ko si Mika. Yung mukha niya parang kaiba. Kinakabahan ba siya?


"Uy Mika? Bakit ganyan mukha mo?" pagtatanong ko sa kanya. I smell something ha. Naku, wag naman sana!


Hindi ako sinagot ni Mika. Tinakbo niya ang layo namin mula sa guard. Agad ko siyang sinundan.


"Kuyang Guard, nasaan po yung batang iniwan ko dito?" pagtatanong ni Mika. Kinakabahan na ako.


"Nasaan ang kapatid ko?" pagsingit ko. Ninenerbyos na talaga ako.


"Mam, Ser, nakita ko po parang may sinusundan kanina eh. Tapos bigang tumakbo. Tinatawag ko nga yung bata pero ayaw bumalik dito. Hindi ko naman po maiwan itong pwesto ko." sagot ni kuyang guard.


Nag-aalala na talaga ako. Paano kung may mangyari sa kapatid ko?


"Saan po papunta kanina yung kapatid ko? Saang direction po siya papunta?" pagtatanong ko.


"Doon po Ser." At itinuro ni kuyang guard ang direksyon.


"Luck sorry. Hindi ko dapat iniwan si Xander mag-isa." Hinawakan ni Mika ang kamay ko. "Sorry talaga."


"Hindi mo kasalanan Mika. May pagkamalikot yung kapatid ko na yun. Baka nanjan lang sa tabi-tabi yun. Ang dapat nating gawin eh maghanap." Sabi ko sa kaibigan ko. Hindi ito ang oras para magsisihan pa kami. Kahit nag-aalala na ako eh kailangan ko pa ring kumalma.


Sinumulan naming halughugin ang floor kung nasaan kami. Bawat stall ay pinasok namin. Ngunit nakarating na kami sa pinakahuling stall, wala pa rin kaming nakikitang Xander.


"Mika, mabuti pa maghiwalay tayo. Ako maghahanap sa 3rd floor at ikaw naman sa 2nd floor." Ani ko.


"Sige. Text text nalang kung mahanap ng isa sa atin si Xander." Aniya.


Tell Me I'm WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon