TWIM 2

53 1 0
                                    

Lucky's Point of View

Matapos kong mapagtantong parang na-El Nino ang mga lalagyanan namin ng tubig sa sobrang tuyot at said na said, nanakbo ako palapit kay mama na kasalukuyang nakaupo sa sala habang nanunuod ng cooking show sa TLC channel.


"Ma!"


"Hmm?"


"Pengeng pera?"


"Ano na namang gagawin mo sa pera, aber?" tanong niya. "Ang agaaga pera kaagad ang hinahanap mo 'nak ha."


"Ma naman eh, hahayaan niyo ba akong matuyuan nalang dito? Bibili lang naman ako ng tubig jan sa labas. Uhaw na ako." sabay hawak sa lalamunan ko.


"Nandyan yung niluto kong lomi. Laklakin mo yung sabaw. Masustansya pa yun 'nak." Tugon ni mama na alam ko namang nagbibiro lang. Baka ma-burn pa ang esophagus ko doon noh. My goodness! Kaluluto lang eh. Mainit!


"Ma, baka mapaso lang lalamunan ko at mabilaukan pa ako doon noh. Baka kapag hinigop ko yung sabaw noon sumama pa yung pagkalalaking hiwa ng gulay mabulunan pa ako. Bahala ka." Sabi ko naman na nangungunsensya pa.


"Hala sige. Eto oh." Sabay abot sa akin ng 500-peso bill. Galante much ha! "Yung pinakamalaking gallon ng mineral water bilin mo ha."


"Sure mom." At lumabas na nga ako ng bahay upang maglakbay patungong tindahan.


Alam kong walang mabibilhan ng mineral water dito sa loob ng subdivision namin dahil pare-pareho lang kaming umu-order ng tubig o di kaya naman ay yung tubig nalang sa faucet ang ginagamit nila sa pang-araw-araw. Pero kami kasi, tulad ng sinabi ko dati eh umu-order talaga kami ng tubig sa refilling station dahil nga unang-una, mahina ang digestive system ko against anti-bodies na ang target ay ang panunaw ko. In short, madali akong tamaan ng diarrhea and the like. At ang pinakamalupit na dinanas ko eh noong na-amoeba ako. Naku ha! Ayoko nalang magkwento. Baka may mga kumakain habang nagbabasa nito eh. Pangalawa, may kapatid akong 5 years old. Baka katulad ko rin siya na mahina ang panunaw kaya mas magandang maging sure nalang sa ini-intake na tubig kesa naman health ang madamay diba?


Kaya ayun, dahil malayo pa nga yung tindahan eh I used my bike nalang para mabilis at kung magta-tricycle or taxi pa ako eh baka mas malaki pa ang halaga na babayaran ko sa pasahe kesa sa halaga ng bibilhin ko noh!


Padyak akong ganyan. Pakdyak here, padyak there. And of course, hindi mawawala sa akin ang aking poise whenever, wherever. And at last nakarating na rin ako sa tindahan. Parang Puregold ang peg ng store na ito. At kilala ko ang may-ari nito.


Pagpasok ko, hindi na ako kinapkapan ng guard. Kilala niya na ako eh. Nagngitian lang kami, okay na yun. Tsaka my goodness ha! Malay ko ba kung tsinatsansingan ako ni kuyang guard kapag kinakapkapan niya ang seductive body ko. Naku ha! Di, joke. Feeler talaga me!


"Mika!" tawag ko sa babaeng mga 10 meters ang layo ko. Sitting pretty pa siya oh! Hindi lumilingon ang ate niyo kaya mas nilakasan ko ang pagtawag. "Mika! Mika!" paulit-ulit ako hindi pa rin marinig? Yung totoo? Kelan pa siya nabingi? Kakuwentuhan ko pa siya noong isang araw ah!

Tell Me I'm WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon