TMIW 7

37 0 0
                                    

Lucky's Point of View

His gazing at me, we're gazing at each other, eye-to-eye. I see confusion in his eyes, and perhaps my eyes shows the same way as my body is in the state of shock.


Para akong na-paralize sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. Hindi ako maka-react kaagad sa nakikita ng mga mata ko sa sandaling ito. Para akong na-hipnotize ng lalaking kaharap ko.


Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ng kaibigan ko.


Hanggang sa makarating kami sa food court, tulala pa rin ang peg ko. Ni hindi ko nga nagalaw yung food ko eh.


Hindi rin ako nagsasalita habang kumakain sila. Tahimik lang din naman sila habang kumakain.


Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kanina. Ewan ko ba. Palaging nagfa-flash sa isip ko yung mukha noong lalaking yun.


"Kuya Luck, gusto ko noon oh. Yung ice cream." Pambabasag ni Xander sa katahimikan.


"Andami mo nang nakain Xan ah. Baka sumakit tiyan mo niyan." Sagot ko.


"Ito Xander oh." Inabutan ni Mika si Xander ng pera. "Bili mo rin ako. Gusto ko rin eh."


"Ako nalang bibili. Baka mawala ka na namang bata ka." Ani ko.


"Ako nalang kuya. Malapit lang naman yung bilihan tsaka makikita niyo naman ako mula dito." Pagtanggi ng kapatid ko.


Hindi na ako umimik. Pinagmasdan ko na lang siya habang papalayo upang bumili.


"Luck, baka may gusto kang...alam mo na." Ani Mika.


"Ha?" ang parang wala sa sarili kong sagot habang sinusundan ng aking paningin ang aking kapatid.


"Yung kanina..." Mika.


"Ah, oo nga pala. Eto oh." Sabay abot ng pera sa kanya na pambayad sa mga pinamili namin ng kapatid ko. "Keep the change."


"Hindi itong bayad, pero thanks na rin." Sabay lagay ng pera sa bag niya. "Baka gusto mong i-explain yung nangyari kanina." Pagpapatuloy niya.


"Anong kanina? Anong nangyari?" ani ko na naguguluhan.


"Nakita ko yung nangyari kanina. Yung titigan niyo." Mika.


"Anong titigan?" Napatingin ako sa kaibigan ko na may pagtatanong sa aking mga mata. Ibinalik ko kaagad ang paningin ko sa kapatid ko. Baka mawala na naman eh.


"Kilala mo ba yung Matthew?" pagtatanong niyang muli.


Hindi kaagad ako nakasagot.


"Luck?"


Tell Me I'm WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon