una sa lahat super sorry kung after 3 months saka lang ako nakapag ud busy kasi ako sa school
pangalawa,, sorry talaga wag sana kayo magalit
---aftermathBACKFIRE
----------------------------------------------------------
{Gema's P.O.V}
Tatlong araw na kami dito sa Pangasinan, maaga kaming nagising pero pag gising naming wala si Roan si tatay. Sabi ni kuya Gerald nangisda daw sila. In fairness naman kay Roan todo effort sya na ipakita nakaya nyang gawin lahat para sa akin kahit masyadong seryoso si tatay pag kausap nya si Roan.
"Gema nako di kaya nilunod na ni tatay yun?" tanong ni Kuya Gerald
Inirapan ko lang sya alam ko naman kasi na di magagawa ni tatay yun
Nag hahanda na kami ng pag kain ni kuya Gerald
Maya maya dumating na sila tatay at Roan may daladalang alimango, posit, sugpo at iba ibang isda.
"Andami nyong huli tay" sabi ni kuya Gerald
"magaling pala manghuli tong si Roan ng alimango" sabi ni tatay
"kaya nga nahuli nya yung puso ni Gema tay" sagot ni kuya
Kaya syempre bilang napakabait na kapatid agad kong tinapakan yung paa nya
"araaaaaaaaay!!!!!!!!!my pretty pretty toes tinapakan mo" sigaw ni kuya Gerald
Lumabas si nanay dahil sa sigaw ni kuya Gerald
"Aba Gerald kay lakas naman ng boses mo para kang kinakatay" sabi ni nanay
Napatingin sya kila tatay at Roan
"Roan anong nangyari dyan sa kamay mo?" tanong ni nanay na alalang alala
"ay wala po, nasipit lang po ng alimango kanina" sagot ni Roan
"Geronimo!!bakit mo pinabayaan na si Roan ang manghuli ng alimango!!katanda mo na wala ka paring pinag katandaan!!" bulyaw ni nanay kay tatay
"ah eh ka-kasi asawa ko a-ano eh" nauutal na sabi ni tatay
"ANO?!!?!?!?" sigaw ni nanay
"gusto ko po kasi masubukan mang huli ng alimango tita" sagot ni Roan
"Nako kang bat aka halika dito at gamutin natin yan bago kumain" sabi ni nanay
Lumapit naman si Roan kay nanay
"At Geronimo mag uusap tayo mamaya" sabi ni nanay
Si tatay naman namutla
Oo nga pala kung di ko pa nasasabi si tatay ay sobrang takot kay nanay, may pag kagabriela SIlang kasi tong si nanay
Tinuloy naming ni kuya yung pag hahanda sa almusal
Dumating na din si kuya Gerome at Gerry galing bukid may dala dala silang gulay at prutas
"Oh anong niluluto ny Gema" tanong ni kuya Gerald
"sinangag, tuyo, itlog, at ang favorite ng lahat....." sabi ko
"talbos ng kamote!" sabay sabay naming sabi nila tatay, at mga kuya ko.
Nang matapos na kami mag luto tinawag ko na para kumain si Roan at si Nanay
BINABASA MO ANG
Inlove with a PROVINCE GIRL
RomanceGirl to Girl story po ito kaya kung ayaw nyo ng gantong story wag nyo na po basahin :) ayan may warning ah :) Paano kung ang isang laking siyudad na mayaman, matalino, talented at may good looks na akala ng lahat ay nasa kanya na ang lahat pero hind...