Chapter 8 ( Dinner )

5.4K 140 6
                                    

{ Roan's P.O.V. }

"Roan anong oras mo susunduin si Gema?" Tanong ni Mommy habang nag luluto

Oo nga pala bihira na ako umuwi sa condo ko kasi si Gema sabi nya dapat daw sinasamahan ko si Mommy dito sa bahay...well tama naman sya

"Mga 4:30pm ma susunduin ko na sya, bakit po?" Tanong ko

"Sure ka na ba talaga sa kanya?" Tanong ni Mommy

"Opo mommy bakit ayaw nyo po ba?" Tanong ko

"Gustong gusto...mabait na bata yun si Gema nung interview palang nagustuhan ko na sya para sayo...kabaliktaran mo kasi" sabi ni Mommy

"Pero mommy paalala ko lang ha hindi pa kami" sabi ko

"Oo naman alam ko naman mahihirapan ka manligaw doon...alam ko hindi sya gaya ni Patricia kaya don't do any stupid things ok" sabi ni Mommy

"Oo naman mommy...mahal ko si Gema..kahit sobrang mag kaiba kami" sabi ko

"Anyway pareho kayo ng birthday nakakatuwa" sabi ni mommy

Ha bakit hindi ko alam

"Hindi mo tinignan yung resume nya noh?" Tanong ni Mommy

Umiling lang ako

Inabot ni mommy yung resume nya

Gemarose Natividad Tayag
Birthday: January 17, 1991
Birthplace: Bolinao, Pangasinan

"Well I think you're match made in heaven" sabi ni Mommy

"Sana nga mommy" sabi ko

Noong kay Patricia halos itakwil nya ako ayaw nya kasi na maging tomboy ako...at least ngayon ok na kay mommy...

.
.
.
.
.
"Roan anong oras na sunduin mo na si Gema" sabi ni Mommy

"Mas excited ka pa kaysa sa akin ma?" Sabi ko

3:30pm palang kasi oh tapos pinapasundo na sa akin si Gema kelan pa nag layo ang Ayala sa Taguig?? Ganun na ba kalayo?? Bakit di ako nainform

{ Gema's P.O.V. }

Pili
Sukat
Palit
Pili
Sukat
Palit
.
.
.
.
.
Pili
Sukat
Palit
Pili
Sukat
Palit

"Pinsan ano ba nasukat mo na lahat" sabi ni Janica

"Pinsan anong isusuot ko?" Sabi ko kay Janica

"Pinsan utang na loob 1:00pm palang" sabi ni Janica

"Pinsan presidente ng kompanya at CEO yung haharapin ko sa dinner" sabi ko

"Yung presidente ng kompanya na sinasabi yun yung mapapangasawa mo at yung CEO na sinasabi mo at dahilan ng pag kakaba mo yun ang magiging mother in law mo kaya chillax" sabi niya

At dahil sa sinabi nya binatukan ko sya

Kung pwede lang na batukan na matangal yung ulo ginawa ko na mapapangasawa at magiging mother in law

"Aray!" Sabi niya

"Pinsan kasi akala ko receptionist ka...hindi mo naman sinabi manghuhula ka na pala ngayon..side line mo?" Sabi ko

Inlove with a PROVINCE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon