{ Gema’s P.O.V. }
5 months na din ako sa REAL Innovation, paulit ulit lang yung routine kung saan meeting ni Roan andoon din ako, taga set ng meeting nya.
“kamusta naman maging boss si Roan?” tanong ni Janica
“Ok naman strikto lang pero may sence naman, akalain mo dragon ang tawag sa kanya doon, may bayad talaga yung ngiti nya” sabi ko
Paano tatlong beses ko palang nakitang nakangiti yun
Oo binibilang ko bihira kasi
“ganun talaga yun, kay Harley at Kris ka humingi ng advice kung paano bumait si Roan, yung ang mga pinaka close nya” sabi ni Janica
“mabait naman sya, hindi lang pala ngiti” sabi ko
“sama ka sa bar? Wala naman yung boss mo ngayon eh” sabi nya
“nako ayoko baka Makita pa ako nun doon” sabi ko
“hindi naman bawal mag saya di ba tska Sunday naman ngayon” sabi nya
“yun na nga Sunday ngayon, Monday bukas may pasok ako” sabi ko
“9:00am naman pasok mo, tska ang lapit ng office mo” sabi nya
.
.
.
Dingdong!
“Oh bakit di ka pa nakabihis?” tanong ni Kris
“hindi ako sasama may pasok ako bukas eh, baka magalit si Ms. Lewis” sabi ko
Totoo naman ayaw na ayaw nya ng late
At ayoko malate
Ayoko siyang makitang maging dragon
Never ever
“hay nako hindi nag pupunta ng bar yun pag Sunday, tska sumama ka na simula nag trabaho ka sa REAL Innovation di ka na sumasama kay Nica, mag relax ka naman” sabi ni Kris
“sige Kris kumbinsihin mo yang madre kong pinsan” sabi ni Janica habang nag lalagay ng eyeliner
“dali na kasi Gema, sige ganto pag sumama ka sa amin ngayon, isasabay ka naming ni Nica papuntang office, para hindi ka malate bukas, ano call?” sabi ni Kris
BINABASA MO ANG
Inlove with a PROVINCE GIRL
RomantikGirl to Girl story po ito kaya kung ayaw nyo ng gantong story wag nyo na po basahin :) ayan may warning ah :) Paano kung ang isang laking siyudad na mayaman, matalino, talented at may good looks na akala ng lahat ay nasa kanya na ang lahat pero hind...