WPP ADMINS BEHIND THE SCENES

315 2 2
                                    

(PLUMAKATA ADMINS)

Gagawin ko 'to dapat matagal na,
Pero sakto nagrequest ang creator na maganda.
Oh s'ya Mhy eto na.
Dedicated sayo at sa iba pa.

Isang araw, sa WPP ako'y naligaw.
Isang group na umaayon sa aking pananaw.
Lagpas isang taon na rin mula noon.
As I remember nagsimula sa lahat "poem collaboration."

Sa totoo lang hindi ko na lubos maalala,
Kung kalian ba dito ako unang napasama.
Well, si Mhy ang talagang pasimuno.
S'ya ang naglakas loob para ang group na ito ay mabuo.

Si Ate Chee naman dati akala ko seryoso.
So ako 'di ko s'ya masyadong kinikibo.
Ngayon-ngayon ko lang talaga nalaman.
I stalked her fb at ang daming kalokohan.

Si sissy Adry, nakausap ko lang isang gabi.
Pambihira, wala akong masabi.
Ewan ko ba pero ang dami kong nakwento sa kan'ya.
Ang gaan n'ya lang kausap. Subukan mo pa.

Si Mel, dati ko pa talaga napapansin.
Wala lang akong kapal ng mukha para siya'y batiin.
Yung mga gawa n'ya nababasa ko.
Ang masasabi ko lang ako'y saludo.

Isa pang makata ang aking natagpuan.
SikretongMalupeet kan'yang pangalan.
'Di kami masyadong close n'yan.
Sana ang tulang ito ang maging daan.

Si Mariecris, tila bago sa aking paningin.
Stalker din ako ng fb n'ya kahit ayokong sabihin.
H'wag sana siyang matakot sa akin.
Baka ngayon n'ya lang nalaman na may stalker s'yang alien.

Last but not the least si Ate Abi.
Mukhang dalaga kahit na may baby.
Somehow naiingit ako sa kan'ya.
Ang anak kasi n'ya ang ganda.

Sila ang mga kasamahan kong nagpapatakbo ng grupong ito.
Sa group chat naming lahat nakikisawsaw, nakikigulo.
Ang masasabi ko lang na pinakamarami sa usapan.
Ang mga TAWA na tila walang katapusan.

Hahaha dito, smiley doon.
May kasama pang stickers at emoticon.
Admins kami na pawang topakin.
Pero kahit ganoon, MAGAGANDA PA RIN!



Poems from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon