Ikaw ang buhay ko

542 3 1
                                    

Puso ko'y walang mapagsidlan ng saya

Ng matiyak na sa akin ikaw ay masaya.
'Di maisatinig ang tuwa at kagalakan,
Sa loob ko ninanamnam lubos na kaligayahan.

Ikaw ang buhay ko.
Ikaw ang aking mundo.
Sa'yo nakabatay ang bawa't tibok ng puso.
Mawala ka sa'kin ay kamamatay ko.

Ikaw ang buhay ko,
Puso ko'y tanging sa'yo.
Saludo ako sa mga pagsisikap mo.
Iyan ay pahahalagahan at susuklian ko.

Sa bawat araw at linggo na lumilipas,
Pagmamahal sa'yo ay mas tumitingkad, walang kupas.
Pag-ibig nating tila ba isang mamahaling hiyas,
Pangangalagaan ng husto sa bawat bukas.

Ikaw ang buhay ko, aking sinta.
Pangako ko'y di na titingin sa iba.
Tulad ng pagtingin at pagtatangi ko sa'yo.
Giliw ikaw ay mamahalin at iingatan ko.

Umulan man ng mga katanungan.
Bumagyo man ng kalungkutan.
Lumindol ng pagtutol sa pagmamahalan,
Pag-ibig nati'y isasalba magpakailan pa man.


Poems from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon