Sa bawat titik na aking naisulat,
nagkaroon ng mga saknong na nakakagulat.
Sa bawat titik na aking matipa,
ay s'yang pagpupumiglas ng aking pagiging Makata.
Ang bawat titik na aking makita
ay nagsisilbing gabay tungo sa isang obra-maestra.
Ang bawat titik na naririnig
ay nagsisilbing awit sa gabing malamig.
Titik na kung tutuusin ay nagsimula sa tuldok.
Tuldok na nagpaliwanag sa madilim na mundo.
Mundong nais kong ibahagi sa lahat ng may nais.
Mga may nais patunayan gamit ang TITIK na makapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Poems from the Heart
PoesiaPoems originally written by yours truly. English, Taglish and Tagalog poems for everyone. If you have a topic and wanted a poem about it. Please don't hesitate to send me your requests. Thank you! ---- Izzy