Pagbabago sa Isang Manunulat

731 7 4
                                    

Sa ngayon, marami ng nagbago

mula sa pananalita hanggang pasusulat ko.

Hindi ko inakalang darating ang oras na ito,

na gagamitin ko ang wika ng mga kababayan ko.

Noon ingles lang ang tanging alam kong gamitin,

ngunit sa wika pala natin mas nailalabas ang tunay na damdamin.

Akala ko noon ay hanggang bulong nalang ako sa hangin

haggang ngayon ko lang talaga napansin.

Na sa mundong aking ginagalawan,

hindi sapat na manatili lang sa nakasanayan.

Dapat pala matuto at masanay,

para sa paligid ay maging bagay.

Sa pagbulaybulay ng mga pangyayari,

ang tunay na rason ay hindi pa rin mawari.

Na ang pagbabago na naganap sa buhay ng isang manunulat,

ay sa tula nailarawan at naisiwalat.

Poems from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon