Chapter 16

79 15 8
                                    

Ynna's POV:

Naiiyak ako na hindi ko alam kung paano ilalabas 'yong inis. Hindi ko alam kung selos ba 'to o inis lang talaga. Basta alam kong hindi ako komportable sa nakita ko.

"Ayos ka lang?" Tanong sa'kin ni Ate Sy. Hindi ko alam 'yong nararamdaman ko.

"Hindi ko alam, hindi ko maintindihan. May inis na may kaonting kirot 'yong puso ko nang makita ko 'yon" Gusto ko nalang iiyak lahat ng nararamdaman kong sakit.

"Okay ka lang ba Liwanag?" Iginaya naman ni kuya ang isang baso ng tubig tinaggap ko naman 'yon.

"Ulit-ulit kuya?" masungit na wika ko habang pinipigilan ang pag iyak. Nakakainis naman kasi e'!

"Hay nako liwanag nasaktan ka na nga lahat-lahat pilosopo ka pa din" Napailing iling siya habang hawak ang mga kamay ni ate Sy.

Sabi ba naman niya liligawan niya ako, tapos makikita ko lang na may kahalikan siyang babae! E' isasauli ko lang naman 'yong pitaka niya e'-. Whaaaa! Hindi ko naisauli sakaniya kasi tumakbo ako huhu baka pag-kamalan pa akong ninakaw ko 'to T^T.

Kinausap ko naman ang sarili ko. 'Sabi ko nga walang magkaka-gusto sa'kin, bakit kasi hindi tumatak 'yon sa isip ko bago um-oo kay Dark' napanguso naman ako nang biglang may tumulo nanamang luha sa mga mata ko. Pinipigilan ko naman e' pero masakit talaga.

Nag-aalala ko namang naisip si Dark. "Ya? Anong ginawa mo kay Dark?" Napa-buntong hininga naman ako habang napaisip.

Tumayo naman si Ate Sy tsaka pumunta sa kusina. Nag luluto siya? Hihi naaamoy ko na 'yong hotdog kahit kalayuan.

"Wala, I just sended him to hell" Galit na giit ni kuya na may kaonting diin. Para bang sisirain ang buong bahay namin.

"Bakit? Alam mo ba 'yong number niya tsaka mo sinend 'yong hell?" Napanguso naman ako habang nakatingin kay Ate Sy na nag pe-prepare ng pagkain.

"Napaka slow mo talaga Liwanag!" Sigaw ni kuya tsaka naman tinulungan magbuhat si Ate Sy nong pag-kain.

"Kuya naman e', ano ba kasing ginawa mo kay Dark?" Tanong ko ulit habang nakatingin sakanila. Nakakainggit ang ka-sweetan nila. Nami-miss ko tuloy si Dark.

Lagi akong hinahalikan sa noo no'n e' katulad ng ginagawa ni Kuya kay Ate Sy tapos nararamdaman kong safe ako.

"Wala, 'wag mo ngang isipin 'yong lalaking 'yon Light" Masungit nitong ibinaba ang ulam whaaaaa hotdog naaalala ko nanaman no'ng kumain kami ng umagahan ni Dark-. Kumain na kaya siya?

Maamo ko namang pinunasan ang luha ko gamit ang mga kamay ko tsaka na kumain. Hihi wala ng makakapag-patahan sa'kin kung hindi pag-kain.

"Kumain ka ng maayos Light at baka sakalin ko sa harap mo 'yong lalaking 'yon" Ani ni kuya habang tinititigan ako ng masama. Bakit sa'kin siya nagagalit.

"Kuya may pangalan siya" Pag tatanggol ko kay Dark habang nakatingin sa pag-kain na iniluto ni ate Sy.

Inilapag niya ang baso ng tubig bago mag-salita. "Pangalan? Hindi bagay sakaniya 'yon" Ngumisi naman siya tsaka tumabi kay ate.

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago siya sagutin. "Manahimik ka nalang kuya nakakabuwiset ka" Aniko habang kumakain ng hotdog. Nakakainis naman kasi 'yong nakita ko e'! May kahalikan si Dark.

Tiningnan ko naman ang cellphone kung anong oras na. Seven-thirthy ng gabi? Hala kanina parang tanghali lang ah hindi ko na namalayan ang oras dahil sa nararamdaman ko.

"Ate Sy normal pa ba 'tong nararamdaman ko?" napangiwi ako sa gawi niya na hagkan hagkan ni Kuya.

"Yes Ynna that's normal, ganiyan din ang mararamdaman ko kung sakaling gawin sa'kin 'yan ng kuya mo" Piningot niya naman ang ilong ni kuya.

Bright Black Series #1 : Lighting The Darkness.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon