TS - 8 : Lotus

868 32 6
                                    

Chaos's POV

April 11, 2014

Apat na araw na pagkatapos ko iniwan si Elise dun sa mall. Geh. I'm an asshole. No surprise there. Hindi suited sa preference mo ang attitude ko? Pakyu.

Kaso may imahe akong kailangang ipagpatuloy sa harap ng kuya ni Elise eh. I don't really give two shits what he thinks of me, pero ewan. I just need him wrapped around my finger. Tulad ni Elise.

For those reasons, andito ako sa harap ng pintuan ng mga Bernardo, dala-dala ang isang bouquet ng sari-saring bulaklak. Kumatok ako. Isa, dalawa, tatlo. It took a minute bago may bumukas. Niluwa ng pinto yung babae na nakilala ko nung pumunta ako dito para sunduin si Elise. Allie ata yung pangalan. Ganda sana, kaso taken na siya. Pag nilandi ko, mawawala ako sa good side ng kuya ni Elise.

"Hala. Anong pakay mo?" she asked.

"Si Elise?"

"Andun sa taas. May lagnat. Umuwi siya nung monday night basang basa. Ba't di mo siya hinatid pauwi?" Tiningnan niya ako na para bang ang sama sama ng ginawa ko, eh marunong naman si Elise mag commute. B*tch. Dibale na. Magsisinungaling na lang. Galing ko naman sa ganon eh.

"Nagka emergency po kasi samin," sabi ko. Tumaas ang isa sa mga kilay nung babae, akmang magsasalita pa siya, pero binuka niya na lang yung pinto at pinapasok ako. Works everytime.

"Andun lang sa taas. Tsaka next time, magdala ka ng mga lotus. Paborito niya yun," she held up two thumbs and motioned me to go upstairs. Tss. As if bibigyan ko pa yun ng bulaklak.

Umakyat ako pataas at lumakad patungo sa kwarto ni Elise. Bawat hakbang na palapit ako, mas tumitindi yung ingay na naririnig ko galing dun.

I stopped at her door. Bubuksan ko na sana iyon nang may biglang tumawa mula sa loob. I twisted the doorknob gently to open a little crevice.

Putangina. Pinapatawa ni Apollo si Elise. Yung gago may inaabot na origami lotus kay Elise. At least totoong bulaklak akin, kanya peke. Peste.

May sakit daw pero naglalandi landi.

Binagsak ko yung bouquet na hawak ko. Di ganun ka lakas para ma-notice nila. Bumaba na lang ako. Inunahan na pala ako. Humanda yun.

HINDI AKO NAGSESELOS, OKAY? NAKAKABADTRIP LANG YUNG MUKHA NI APOLLO. PANGIT NIYA KASI.

Pagkarating ko sa baba, agad nagsalita si Allie. "Oh, ba't ang bilis?"

"I just came to give her flowers," bilis kong sinabi. "Turns out, she didn't need them," bulong ko sa sarili. "Sige, salamat," dagdag ko.

Buti nalang di na siya nagtanong pa. Baka naabutan pa ako ni Elise dun.

To hell with it.

Nag drive ako papunta sa hangout namin ng banda ko. Kung alam ko lang na eepal pala yung dakilang gago edi di na sana ako nag-abalang magnakaw ng bulaklak galing sa semeteryo. Joke lang. Binili ko yun.

Could have spent my precious time with my best mates. Tatlo na lang kami kasi yung dalawang ulol na kasama namin nag-abroad eh. Napakagago kasi, yun tuloy nalintikan ng mga magulang nila. Kung magpaplanong i-shave yung ulo ng principal, dapat sigurado kang di kakalat yung video na niloloob yung ebidensya.

"Zeph! Leo! Mga gago! San kayo?!" sigaw ko. Tinanggal ko yung jacket ko at sinabit ito sa coat rack bago ko tinapon yung mga susi ko sa pinakamalapit na mesa.

"Dito sa sala! Oy dali kausap namin si Jax at Lake!"

"Ano ba? Araw-araw na lang kayong nagkakausap sa skype! Nakakaumay! " sagot ko. Pero mahal ko yung si Zephyr at Leo, kahit na napakabading ng mga tarantadong yun. Mas malala si Leo sa dalawa, hinawaan niya lang talaga si Zeph.

"Chaos! Leche ka! Di nakakaumay yung mukha ko oy! Gwapo ko kasi!" agad kong nakilala yung boses na iyon. Halatang si Lake yun. Ang yabang kasi, porke't chinito daw siya, siya na pinakapogi samin. Alam niyo namang di yon totoo. *wink*

Inupo ko sarili ko sa tabi ni Zephyr. Mahirap na, baka mahawa ako sa kabadingan ni Leo. "Ulol. Kailan uwi niyo?" pagtatanong ko.

"Mga end of May daw," sabi ni Jax. Saming lima, siya talaga yung pinakamatino. Ewan ko lang kung bakit na-involve siya sa kalokohan ni Lake.

"Peste. Simula na yan ng klase. Patapos na ang summer niyan." sagot ni Zeph.

"Di tayo makakahang this summer. Syempre magiging busy na tayo sa college, mas kokonti na yung oras natin," dagdag pa ni Leo. Aba, may plano pala 'tong mag kolehiyo. Kala ko namang aalay na lang siya sa yaman ng parents niya.

"College? Magco-college ka pala?" ani Lake habang tumatawa.

"Gago. Oo nga. Batuhin kita diyan eh," kahit namang napakahangal namin, may mga pangarap parin kami. It's basically the only thing we're serious about. Ayaw kasi naming magdepende lang sa magulang namin.

We joke around, but there are things that hold a great deal of importance to us, too.

"Grabe dude, ang daming chix dito. Willing pa," tumaas-baba naman yung kilay ni Lake.

"Psh. You can't even talk to them 'cause speaking in English is too strenuous for you," Jax retorted. Perpektong perpekto yung accent. Kala mo kung gano ka sosyal. If I hadn't known better, I'd think he was a decent guy.

Biglang tumunog yung cellphone ko. I propped myself up and went outside to answer it. "Chaos Padilla, how may I help you?"

"Hi. Si Elise nga pala ito," sagot ng kabilang linya. Si Elise? Ano namang kailangan niya?

"Ano ba na naman?"

"Thank you nga pala sa flowers. Ang ganda ganda, tas iniwan mo lang sa sahig. Sabi ni Allie pumunta ka daw, pero di kita na----," di ko na siya pinatapos pa bago ko pinutol yung tawag.

I admit it was rude. Masarap lang talagang buwisitin si Elise.

________________________________________

A/N: Omg you guys. I literally forgot about this story kasi akala ko walang bumabasa. It's been what, like seven months since my last update. So sorry. (insert peace sign here) This chap is dedicated to @jpdalmacio. I was motivated to write this part because of her. :DDD

I admit, this one's really crappy, but hey, it's from Chaos's POV and you met the gang! This update is actually a day early, but ilysm so I posted it today. Also, I'm dedicating the next chapter to the first reader who can guess which Parking 5 band member plays Jax! Hint: Lester Giri is casted as Leo.

(AND IF YOU READ THIS WHOLE THING YOU'RE AUTOMATICALLY IN THE SQUAD BYE.)

***********************
April 07, 2015

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon