TS - 5 : Coffee Stain

996 24 5
                                    

Elise's POV

March 31, 2014. 9:30 pm

Pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sakanya, tumakbo ako papalayo. yun lang rin naman ang tanging bagay na magagawa ko para makaiwas sa mga problema ko. Ang takbuhan sila.

I hailed a cab before Chaos could ever catch up with me. Narinig ko ang mga sigaw niya habang hinahabol ako. "Oy Elise!! Hintay!!"

Maybe running away was the thing that kept me alive.

Hingal na hingal ako pagpasok ko sa taxi. I was still gasping for air when I told the driver my destination.

"Halatang napagod ka ata ah. " Nagulat ako noong biglang nagsalita si manong Drayber.

"Ha? eh oo ho eh."

I stared at the window next to my seat. And slowly, little drops of water started to form on the surface. Umuulan pala. Wow. Just wow. Uulan kung kailan nasasaktan ako. Napaka-cliche talaga ng buhay ko, Bwiset.

"Alam mo iha, minsan kailangang buksan mo ang mata mo para makita na hindi ka mag-isang haharap sa mga problema mo. Wag kang tumakbo palayo sakanila. Sa halip, yakapin mo yang problema na bumabagabag sayo. Yung lalaking humahabol sa'yo? Isa siya sa mga taong nakakaintindi at handang makinig. Wag mo silang tulakin papalayo."

"Pano niyo naman ho nasabi yan? Paumanhin po, pero sa tingin ko mali kayo."

"Kung ganon, ba't ka niya hinabol? " i suddenly felt guilty for leaving Chaos. Siguro nga tama si manong. Napatahimik na lang ako habang inisip kung gano kalaking pagkakamali ang ginawa ko. Damn, Why do I always make a mistake out of everything?

Ugh. Great. My first date was ruined because of my stupid emotions.

My phone ringed. I checked the caller I.D. to see who called. Si kuya pala. Okay. What does he want now?

"Hello?" I spoke through the phone.

"Yow Bebe Sis."

"What?!"

"Ba't ba napaka-badtrip mo sa mundo? Ano ka si grumpy? " he joked. I rolled my eyes.

"Shattap. What do you need?"

"Anong oras ka uuwi?" he asked. Ugh. yun lang pala eh. Pwede naman sigurong text na lang. Kailangan ko pa talagang marinig yung nakakarindi niyang boses.

"Malapit na. On the way na ako." I stated.

"Ah. Okay. Ingat. Bye bebe sis." He ended the call after that. I grunted and slumped in my seat.

Great. Pano ko i-eexplain kay kuya kung bakit mag-isa lang akong umuwi.

I'm screwed. Mas mahirap pa siguro tong i-explain kesa dun sa time na na-fail ko yung test ko. Pakshet.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating na rin ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, Andun na agad si kuyang nag-aabang sakin.

Binombahan niya ata ako ng isang libong tanong.

"Kamusta date niyo?"

"Ano ginawa niyo?"

"Asan yung ka-date mo?"

"San ka niya dinala?"

"May take home ka ba diyan?"

And blah blah blah. Parang sniper eh, Bratatatat! Dada ng dada, mukhang di na-uubusan ng laway. Kabanas.

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon