7⛅

95 4 0
                                    



"Nathaly anong ginawa mo dito?" Tanong ni kuya nang makarating sa rooftop. Nagulat siguro siya sa position ni Cheska na sobrang gulo pa ng buhok na natatakpan ang mukha. 


Kakarating lang ni Kuya at reklamo agad niya ang ibinungad sa akin. 


"Kuya obvious naman na she's drunk, help me" I said habang tinutulak si kuya papalapit kay Cheska.


"Oh? Anong gagawin ko?" Walang alam na tanong niya.


Napairap naman ako bago sumagot, "Edi buhatin mo, iuwi natin tapos ako na mag e-explain sa kaniya bukas." 


"Teka sino ba 'to?" Tanong ni Kuya habang inaayos ang buhok ni Cheska. Careful pa siya para hindi magising si Cheska. "Cheska?! Nathaly, si Cheska ba 'to?!" Sumigaw na si Kuya dahil lumalakas ang music sa paligid.


Napakamot nalang ako sa ilong at sinabihan siya na 'wag nang mag reklamo at buhatin nalang si Cheska. 


Natagalan kami sa pag uwi dahil medyo traffic papunta sa bahay namin pero ligtas naman kaming nakauwi. Tahimik lang kami sa biyahe, wala naman ako masiyadong ginawa pero ramdam ko ang pagod sa aking katawan.


"Kuya dalhin mo na sa taas. Doon sa guest room." Inutusan ko si Kuya na buhatin ulit si Cheska papunta sa kwarto kasi tulog na talaga siya. Nagreklamo pa siya pero napilit ko rin, wala naman siyang choice, eh.


"Thank you kuya" I said while tapping his shoulders. Pareho kaming nakatayo at pinagmamasdan si Cheska na tulog. 


"Sige na, punta ka na sa kwarto mo. Good night. Hindi ko siya hinawakan, ha. Witness ka ngayong gabi, Nathaly." He said before patting my head.


Hindi ba't dapat ako ang magsabi noon kasi ako ang kaibigan ni Cheska?!


Nagtaka ako pero may tiwala naman ako kay kuya kaya umalis na ako sa kwarto at pumunta sa kwarto ko para mag ayos. Inalis ko ang konting make up sa mukha ko at nag palit na ng pantulog bago kumportableng humiga sa kama.


Tutulog na sana ako pero narealize kong Monday nga pala bukas at may pasok kami pareho ni Cheska... may monday ceremony pa, gosh sana maagap kami magising bukas. Papahiramin ko nalang ng siya ng uniform, kasya naman yata, eh.


Maagap akong nagising dahil sa alarm na sinet ko kagabi. Kailangan ko rin kasing gisingin si Cheska para maexplain sa kaniya tsaka para sure na hindi kami ma-late kung sakaling gusto niyang magpahatid sa kanila para kunin ang gamit niya sa school tapos sabay na kami pumasok.


I did my morning routine before going to the room where Cheska is sleeping tapos nakasabay ko si kuya padaan, "San ka punta?" tanong niya. 


"Cheska's room, gigisingin ko na habang maagap pa" I said "Ikaw kuya?" Ang agap niya gumising ngayon, ha.


Umiwas siya ng tingin sa akin bago sumagot, 'Kay Cheska, gigisingin ko rin sana." Ang agap niya magising ha tapos nakapag ayos na rin siya ng buhok, eh, hindi naman siya ganito palagi.

Heaven's Cloud (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon