Family Reconcilation

19K 245 12
                                    

KLARE and ELIJAH's Wedding
i_KiSS version inspired by Queen J :)

----------

If dreaming is the only way

that I can see you,

touch you,

caress and kiss you,

then I'd rather spend my entire life sleeping

for somehow I know I am with You ..

Akala ko dati wala ng pag-asa sa amin ni Elijah years ago. Our whole family, the Montefalcos and the Tys, I really thought they would never agree and would never accept us. Pero nung birthday ni Ahma .. Hindi ko alam ang saktong pakiramdam ko noon, naghalong tuwa at guilt. Tuwa, ah hindi, tuwang-tuwa na gusto ko nang tumalon at yakapin si Elijah dahil sa narinig ko kay Tito Exel na payag na siya at hindi siya hahadlang sa kaligayahan ng anak niya. Pero nakaramdam din ako ng guilt para kay ama, gustong-gusto kong matanggap niya ako pati nina Tita Luisa at Tita Tania at mga pinsan ko pero mukhang malabong mangyari pa yun. Sana balang araw, maintindihan din nila ang mga nagawa ko.

Nandito ako ngayon sa bahay namin sa Hillsborough kasama sina Papa, Tita Marichelle, Hendrix at Pierre. Umuwi sila Papa at Tita dito para sa Pre-Nuptial ng kasal namin ni Elijah, actually sa makalawa na yun. Next month naman ang kasal.

Hindi ko pa rin lubos akalain, three years ago nung magpropose sa akin si Elijah sa birthday pa mismo ni ahma at sa kalagitnaan ng pagsasagutan namin. Pero masaya ako because finally I can be with him Until Forever.

Dahan-dahang pumihit ang door knob ng pinto ng kwarto ko. Akala ko si Pierre o Hendrix, si Tita Marichelle pala.

"Klare .." sambit niya ng pangalan ko.

"Pasok po kayo." pinaupo ko siya sa kama ko. Actually hindi na mapait ang trato sa akin ni Tita, tinuring na niya akong anak.

Hinaplos niya ang kabilang pisngi ko at kita rin sa mga mata niya ang nangingilid niya luha. Anong nangyari?

"Tita may problema po ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Umiling siya at pinunasan ang nakatakas niyang luha.

"Klare .. Gusto kong-- gusto kong humingi ng tawad sa'yo." nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi yon, hindi ko siya maintindihan.

"Sorry for what tita?" tanong ko ulit.

"For everything .." Nag-iwas siya.ng tingin saka nagpatuloy. "Kung hindi kita natanggap nung una and if I made you feel you don't belong in our family. Klare, I'm very sorry." humikbi si Tita Marichelle. Nakita ko naman si Papa sa harap ng bukas kong pinto, tumango siya ngumiti.

Niyakap ko si Tita Marichelle. "Tita, it's okay. It was never easy, I know and I understand you, every bit of your hatred to me when the first time we met. You don't need to be sorry for that." paliwanag ko sa kanya. Kumalas siya sa yakap, ngumiti at nagsalita.

"Alam mo hindi ko alam kung kanino ka nagmana ng pagiging selfless mo but I'm very happy to have a daughter like you Klare." Halos mabingi ako dahil sa mga salitang binitiwan ni Tita.

Ngumisi siya. "Da-Daughter?" Pautal kong tanong. Tumango siya. "And I want you to call me MAMA from now on." At agad niya akong binalot ng mga braso niya. Halos maiyak ako sa sobrang tuwa.

"Thank you Mama .. thank you." Yun na lang ang naisagot ko sa kanya dahil nalunod na ako sa tuwa at mga luha ko.

"So .. kapatid na talaga kita." Bungad ni Pierre nang bumaba ako papuntang kusina. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mama mo na si Mommy diba?" tanong niya. Naramdaman ko rin ang yakap ni Hendrix mula sa likod. Napangiwi naman si Pierre dahil sa ginawa ng ahia namin.

"Welcome to the family Klare! Finally!" Sigaw niya at hinalikan ako sa ulo.

"Psh. Panira ng moment. Ako nauna e." Singit ni Pierre at hinablot ako mula kay Hendrix at niyakap din ako.

Maswerte din ako dahil sila ang naging pamilya ko liban sa mga Montefalco. "The more the merrier" nga ika nila.

Papunta ako ngayon sa Montefalco Building para bisitahin sila Mommy, Daddy at Charles. Ihahatid ako ni Hendrix kasi may pupuntahan daw siyang di ko alam kung saang lupalop ng mundo. Nakababa na ako ng tinawag niya ako.

"Call me if you're going home or you'll stay here for the night, okay?" Tumango ako. "Take care and I love you."

"Okay. Ikaw ang mag-ingat, I love you too." Tinitigan ko ang sasakyan ni Hendrix hanggang sa mawala na ito sa paningin ko at saka pumasok sa elevator.

Pagkabukas ko ng pinto namin agad na bumungad sa aking lahat ng mga Montefalco. Simula kay Tito Exel na nakaupo sa couch kasama si Tita Beatrice, si Tito Azrael na kausap si Tito Benedict at Daddy sa kabilang upuan, si Tito Stephen na naninigarilyo sa balcony, sila mommy kasama si Tita Claudine, Tita Dana at Tita Liezl na kalalabas lang sa kusina at may dalang meryenda.

Tumingin silang lahat sa akin at walang anu-ano'y lumabas naman ang mga pinsan ko mula sa guestroom. Lahat sila kasama si Elijah na agad akong tinitigan.

"Klare!" Agad akong niyakap nina Erin, Chanel at Claudette.

"Naunahan niyo pa yung asawa ah?" Natatawang hayag ni Azi.

"Shut up Azi. Lagi naman silang magkasama ni Klare eh tsaka kung hindi nandun siya sa bahay ng papa niya." Ngumuso si Erin at tumitig sa akin.

"E lagi ka rin namang nandun ah. Di ba binibisita mo dun si Hendrix?" Nakangising tugon ni Josiah. Agad namang pinasadahan ng tingin ni Erin sila Tito at Tita na mariing nakatingin din sa aming magpipinsan.

Inirapan lang niya ang kapatid niya. Nilingon ko si Tito Benedict na nakangisi. "Hindi mo naman sinasabi ijah na may boyfriend ka na. At kapatid pa pala ni Klare, yayain mo naman siyang mag-dinner sa bahay ng makilala namin ng mommy mo." Ani Tito na tumatawa.

"Daddy! Ginagatungan niyo pa si Kuya eh. Kaya lumalakas yung self-confidence!" Ani Erin.

"Klare .." biglang kumalabog ang puso ko. Nilingon ko yung taong nasa gilid ko.

Si Tito Exel. Hindi na malamig ang trato sa akin ni Tito pero hindi pa kami nakakapag-usap ng matino dahil rin sa wala kaming oras pareho. Hinawakan niya ang mga balikat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang nakangising si Elijah na kausap sina Azi pero titig na titig naman sa akin.

"Matagal na rin simula nung huli tayong mag-usap." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango na lang ako. "Gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na .." Kinakabahan ako. Di ko alam kung anong nasa isip ni Tito Exel, nag-oover react na naman ako.

"Tawagin mo na rin akong Daddy simula ngayon at tawagin mo na ring Mommy ang Tita Beatrice mo." Tama ba ang narinig ko?

"P-Po Tito?"

"Daddy Klare .. Call me Da-ddy" Ani Tito ay este Daddy pala. Ewan ko kung masasanay ba akong tawagin siyang ganun.

"Opo .. Da-Daddy" Yumuko ako dahil sa hiya. Nahihiya pa rin ako sa kanya.

"Family Hug!!!" sigaw ni Azi. At nagsitakbuhan silang lahat sa amin.

Sobrang saya ko. May closure na sa pagitan ko at ng dalawa kong pamilya. Okay na ang lahat. Wala na akong mahihiling pa.

Until Forever By Jonaxx FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon