Kabanata 1

7.9K 126 6
                                    


I want to go home

Nagising akong kaharap at kayakap ang pinakamamahal kong lalake. I can feel his warmth. Kung ganito lang araw-araw, gaganahan talaga akong gumising. Ako na siguro ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa buong universe. Pilit kong tinatanggal  ang kamay niya na nakapulupot sa beywang ko.

Hinalikan ako ng marahan ni Elijah. I responded to his kisses and embraced his neck. I just want to stay like this forever.

"Good morning baby." Ani Elijah at humiwalay sa halik.

"Good morning too baby." Sagot ko at kinuha ang mga damit ko at sinuot. Hinila naman ako ni Elijah kaya nakahiga na naman ako ngayon at pumaibabaw siya sa akin.

"Where are you going this early Mrs. Montefalco?" Tanong niya habang nakangisi at hinahalikan ako. Ewan ko ba kung bakit naging kissing monster 'tong asawa ko pagkatapos naming makasal. Hindi kaya maubos naman ang labi naming dalawa?

"I'm taking a bath Elijah. It's already 9 in the morning and if you just remember, we're about to tour the museums here in Amsterdam at exactly 10." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at tiningnan ang cellphone niya.

"Shit." Mura niya. Panay din ang pagmumura niya habang naliligo ako.

"Sinabihan kita kagabi ayaw mong sumunod eh. Kaya maghintay ka jan." Sigaw ko para marinig niya sa kabila.

"You liked it baby that's why I didn't stopped." Kitang kita ko ang pagngisi niya sa utak ko. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Oo, ginusto ko rin naman pero .. Ah ewan!

"Shut up Elijah!" Sigaw ko pabalik. "Tapos na ako. Bilisan mo at-" Hindi na niya ako pinatapos dahil pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng banyo sinunggaban na agad niya ako ng halik.

"Elijah--" Sabi ko sa kalagitnaan ng paghahalikan namin. Tumigil siya at tinitigan ako. "Stop being a kissing monster."

"I can't stop baby. I'm already addicted to your kisses and I want you to be addicted to mine." Ani Elijah at muli akong hinalikan saka pumasok ng banyo.

Magdadalawang taon na kami dito sa Amsterdam at puro paghalik lang yata ang ginawa niya sa akin dito, pinapagod niya ako masyado. Miss na miss ko na sila Mommy, Daddy at Charles pati na rin sila Papa, Mama, Hendrix at Pierre at lahat ng mga pinsan ko. Excited na akong umuwi!

Mahabang panahon din pala kaming nalayo sa pamilya namin. Pero hanggang ngayon hindi pa rin buo ang pamilya namin ni Elijah, hindi pa kami nagkakaanak. Nafufrustrate ako sa sarili ko. Isang beses dahil diyan himagugol ako ng iyak.

"What happened baby? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?" Ani Elijah. Umiling lang ako at tinakpan ko ang mukha ko. Tinanggal naman niya ang mga kamay ko.

"Then why are you crying? There must be something that bothers you. You make me sworry to much Klare." Aniya.

"I'm sorry. I can't bear you a child Elijah." Sagot ko habang umiiyak pa rin. Nakita ko ang gulat niyang ekspresiyon.

Kunot noo siyang sumagot. "Shh. Hush now baby. It's ok if you still can't, I can wait. And I'm happy that I have you, you're the only one I need Klare." Ani Elijah saka ako hinalikan sa noo. Napakaswerte ko sa kanya. Bukod sa maalaga, maunawain, sobrang mapagmahal pa.

Gustong-gusto ko ng magka-anak pero sabi nga ni Elijah baka hindi pa ito ang tamang panahon. Naiinggit ako sa mga pinsan ko sa pinas, mas naunahan pa nila kami ni Elijah. Ni hindi man lang kami nakadalo sa mga kasal nila at binyag nga mga anak nila. Si Hendrix at Erin may Rixx Louis na, tapos si Pierre at Clau may Jamie Kierre na. Gusto ko ng umuwi.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo at nilingon ko si Elijah. Nakatuwalya lang siya! Kahit asawa ko na siya at ilang beses na kaming nag-ano, hindi ko pa rin maiwasang mamula pag nakikita ang katawan niya. Kayo ba magkaroon ng HOT na asawa?

"You're drooling Klare." Anu Elijah habang nakangisi sa akin.

Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. "No I'm not. Hurry up or the bus will leave us." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Hindi rin nagtagal si Elijah. Pagkatapos niyang magbihis agad din kaming bumaba. Sumakay na kami ng bus at habang bumabyahe pinagmamasdan ko ang mga magagandang bulaklak na nadadaanan namin.

Unang museum na pinuntahan namin ay ang Van Gogh Museum at pagkatapos ay ang Hermitage Museum. Hindi talaga matatawaran ang ganda ng Amsterdam lalo pa't kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Wala na talaga akong mahihiling pa.

Pagkatapos naming maglibot sa hermitage pumunta kaming Mystique para magdinner naman. Nagtanong ako ng available table for two at saktong meron naman. Gusto kasi ni Elijah na kaming dalawa lang. Siya na rin ang umorder para sa aming dalawa tutal siya naman ang magbabayad.

Nung paparating na ang order namin bigla namang nagring ang cellphone ko. At nung tingnan ko kung sino yung tawag,

Si Pierre.

Until Forever By Jonaxx FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon