Just a dream
Nakapagpahinga na rin kami ni Elijah pagkatapos ng mahabang kwentuhan. Ni hindi namin namalayan na alas dos na pala ng madaling araw kaya mabilis din kaming nakatulog. Pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Pumunta muna ako ng banyo at naghilamos bago lumabas.
Pag labas ko wala ng tao. Wala na ring mga kalat. Parang walang nagyari kagabi, maging ang mga nangyari sa Davao nakalimutan ko na rin. Parang isang panaginip lang lahat.
"Gising na pala ang asawa ko. Umupo ka na kasi nakapagluto na ako." Ani Elijah na nakatopless habang tinatanggal yung apron niya.
"Sila mommy? Gising na ba?" Kumunot ang noo niya. Para bang may nasabi akong hindi maganda.
"Wala sila dito Klare." Aniya.
Nilibot ko ang paningin ko. Wala ako sa Montefalco Building. Nasan kami?
"Elijah." Kumakain na siya habang ako natunganga lang sa kanya at nagtataka pa rin sa mga nangyayari.
"Hmm?" Bumaling siya sa akin na nakakunot ang noo at tiningnan ang walang laman kong plato.
"Kumain ka na Klare. Makakasama sa'yo at sa baby natin pag ginutom mo ang sarili mo." Halos masamid naman ako sa sarili kong laway sa sinabi ni Elijah. Baby? Ako? Buntis ako?
"Ano? Buntis ba ako Elijah?" Hinawakan ko ang tiyan ko. May maliit na umbok. Buntis nga yata ako!
"Klare? Okay ka lang ba? 3 months pregnant ka na. Pupunta tayo mamaya sa OB mo para magpacheck. Tapos pupunta tayo sa bahay ng papa mo kasi may family lunch tayo doon kasama ang mga tita mo." Aniya.
"Sila Tita Tania at Tita Luisa ba?" Tanong ko. Tumango siya.
"Namimiss ka na daw nilang lahat. Masyado daw kasi kitang kinukulong sa bahay." Aniya saka ngumisi.
Ano? So yung .. Lahat ng ..
Was it a dream?
Pagkatapos naming magpacheck up at bumili ng mga vitamins ko dumiretso na nga kami kina papa. Sa sasakyan hawak-hawak ng isang kamay ni Elijah ang kamay ko habang ang isa ay nasa manibela.
Ngumiti siya at pinasadahan ako ng tingin. "I'm very happy Klare and at the same time nervous." Aniya.
"Why?" Tanong ko.
"You know I'm satisfied with even only you by my side, but after 6 months I'm gonna be daddy and I'm super excited." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit nasa utak ko pa rin ang pagtataka tungkol sa panaginip ko hindi ko maiwasang maging masaya knowing na magkakababy na kami ni Elijah.
Itinigil niya ang sasakyan at nakita ko na ang bahay namin dito sa Hillsborough. I missed this place. A lot. Pagkababa namin ay dumiretso na kami kila papa na naghihintay sa tapat ng pinto. Iminuwestra niya ang kanyang mga brasong handa na akong yakapin.
"So how's my princess and my grandchild, huh?" Tanong ni papa habang niyayakap ako.
"We're great pa. Alagang-alaga ng daddy." Sagot ko at lumingon kay Elijah na nakipag-high five kay Hendrix at Pierre.
"Shobe." Ani Pierre.
"Pierre!" Niyakap niya ako. Sumali din sa yakapan namin si Hendrix. I missed them a lot.
"Pwede bang ako naman ang yumakap sa prinsesa?" Nanggaling yung boses mula sa likod ko pero alam ko na agad na si Mama Marichelle 'yon.
Humiwalay sa yakap ang dalawa kong kapatid kaya tumalikod ako at niyakap si mama. I missed her too, ofcourse.
Nakita ko rin sa likod niya sina Tita Tania at Tita Luisa na nakangiti. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magsalita kaya nginitian ko na lang sila.
BINABASA MO ANG
Until Forever By Jonaxx FanFic
FanfictionElijah Riley Vasquez Montefalco and Klare Desteen Limyap Ty