Muling Pagkikita
Maraming taon na ang lumipas. Kasama ko ang buong pamilya ng Montefalco at mga Ty sa pagpapalaki sa anak namin ni Klare. Walang araw, oras o ni isang segundo na hindi namin minahal at inaruga si Klary. Hanggang sa nagdalaga na siya at natuto ng umibig.
"Dad .. " Ibinaba ko ang binabasa kong dyaryo para makita ang anak kong nakatayo sa harap ko na nakayuko.
"Ano yun anak?" Lumapit siya sa akin.
"Naalala niyo po ba yung kaklase kong si Matthew? Yung dati nating kapitbahay?" Masama pakiramdam ko sa pinapahiwatig nitong anak ko, mukhang may balak manligaw sa kanya yung matthew.
"Oo anak, bakit mo naitanong? Bumalik na ba sila?" Tumango siya. "May balak ba siyang ligawan ka?" Diretso kong tanong kay Klary. Halata namang nagulat siya sa tanong ko at dun ko napagtanto na tama nga ang hinala ko, kaya habang wala pang namumuong tensyon sa kanilang dalawa babakuran ko muna ang anak ko.
"Klary .. come here." Tumabi siya sa akin sa couch at niyakap ako. "Princess .. you're beautiful, smart, kind and whoever makes you fall will be the luckiest man ever. But you're only seventeen, huwag kang magmadali anak. There will be somebody who's be willing to wait for you until the right time comes. Do you understand daddy?" Dinungaw ko ang anak kong tahimik na nakasandal sa dibdib ko.
"I know dad, I understand you. I also assumed that you would say that. Matthew can wait if he really loves me, right daddy? Just like how you and mom waited for your time, di ba dad?"
"Yes baby, just like me and your mom." Naaalala ko na naman si Klare. Lahat ng mga pinagdaanan namin. Hindi na ako makapaghintay na makita ulit siya. Ngunit hindi ko pa maaaring iwan ang anak ko. If I will leave her, I want to leave without breaking her heart. Dapat may isang taong handa siyang samahan at hinding-hindi siya iiwan, I want her to be complete before I go.
After 8 years ..
"Daddy?" May lumapit sa aking isang babae namay kasamang bata. Umupo siya sa gilid ng kama ko saka hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Sino .. ka?" Tanong ko sa kanya.
"Dad, si Klary po ito ang anak ninyo." Klary? .. Anak ko? Tama. Anak ko nga siya, anak namin ni Klare. Tumango ako sa kanya.
"Inaatake na naman pi ba kayo ng sakit ninyo daddy? May kailangan po ba kayo?" Tanong niya na bahid ng pag-aalala.
"Wala naman an- AHHHHHHHH!! ARGHHHHHH!!" Masakit! Biglang sumakit ang puso ko, hindi ako makahinga.
"Daddy?! Matthew!! Matt!! Help!!" Sigaw ng anak ko sa kanyang asawa na dali-dali namang pumasok sa aking kwarto. Bago ako mawalan ng malay may nakita akong liwanag sa likod ni Claren, ang apo ko, kung saan nakatayo ang isang napakapamilyar nababae.
Minulat ko ang aking mga mata at nagising ako saaking kwarto na pinapalibutan ng aking mga pinsan, ngunit wala na roon ang ilaw pati ang babae.
"Elijah? Oh my god! I'm glad you're okay." Ani Erin.
"Tol, buti naman nagising ka na. Pinag-alala mo na naman kami." Dugtong ni Rafael na sinang-ayunan naman ng iba pa. Wala naman akong naisagot sa kanila kundi isang matamis na ngiti na lang.
Wala na rin naman akong hinihintay pa, kontento na ako sa buhay ko at sa buhay na naibigay ko sa anak ko at sa pamilya niya. Siguro naman ay maaari na akong magpahinga at pwede ko na rin ulit makasama ang pinakamamahal ko.
Lumabas saglit ang mga pinsan at kapatid ko sa kwarto, ang naiwan na lang ay ang pinakamamahal kong anak.
"Klary .." Sambit ko. Alam kong sa tuwing nakikita niya akong nasasaktan at iniinda lahat ng sakit na nararamdaman ko ay nasasaktan din siya kaya mas pipiliin ko na lang na tapusin na ang lahat ng sa gayon ay hindi na rin siya masaktan.
Niyakap niya ako ng mahigpit saka umiyak ng umiyak. Hinagod ko ang likod niya, naaalala ko pa noong bata pa siya ..
Flashback
"Da-ddy .. *sobs* my ice cream fell *sobs*. Wala na akong *sobs* ice cream." Niyakap ko ang anak kong umiiyak dahil nahulog ang ice cream niya, kinarga ko siya habang pinapatahan siya.
"Shh .. Hush now baby. We'll buy again another, okay?" Tiningnan ko siya at tumango naman siya. "Wag ka nang umiyak, sige ka papangit ka niyan."
End of Flashback
Humiwalay sa yakap ang anak ko saka niya ako tiningnan at ngumiti.
"Daddy .." Panimula niya. "Thank you for everything, you're the best dad ever you know that? Hindi ka nagkulang sa akin. You've been my dad, my brother, my bestfriend, my everything. I am so lucky to have you as my father." Handa na ang anak ko, handa na siya sa pag-alis ko. Alam ko yun dahil kompleto na siya, hindi sa mag-iisa sa oras na umalis na ako. Hinayaan ko lang siyang mag-salita habang umiiyak.
"I know these past few months hinahanda mo na ako sa pag-alis mo daddy, I know you very well. And I'll tell you this dad .. I am ready. Hindi kita pipiliting magstay dahil alam ko madadagdagan lang ang sakit na nararamdaman mo and I know you've been longing for mom since the day I was born, kaya thankful ako na binuhay niyo ako daddy. Kaya ngayon, I'm giving back the favor to you dad. I'm letting you go. Be with mom, be with your happiness." Aniya saka ulit ako niyakap. Napakaswerte ko talaga sa kanya bilang tatay niya, kokonti na lang ang mga batang katulad niya sa mundo ngayon kaya maswerte talaga ako.
"Anak, I am more lucky to have you as my daughter than you are having me as your dad. I know how strong you are and what you are capable of. You're the best wife to your husband and the best mother to your own child, they're lucky to have you. I'm sorry if this has to happen, I'm sorry if I have to leave you anak but you know that everything has a time to end and today, now, it's my time." Tumango ang anak ko saka ako hinalikan sa noo. Naramdaman ko nang panghihina ng puso ko, unti-unti ng nawawala ang pagtibok nito. Konti na lang Klare, malapit na tayong magkita.
Dumampi sa aking mga pisngi ang mga palad ng aking anak at saka siya nagsabing ..
"Until we meet again daddy. I love you."
---
"Elijah .."
"Elijah .."
"Mahal ko .."
Pilit kong hinanap ang boses na tumatawag sa akin. Si Klare yun, alam ko. Sa kanya ang boses na yon.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko mula sa likod kaya hinarap ko kung sino ma ito.
"Elijah .." aniya.
"Klare .." Tugon ko.
"We're together now. Until Forever."
------------------
As usual .. THE END na !!
Sa wakas, after how many months natapos ko din siya. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa pa at sa mga magbabasa pa lang. Sorry kung ngayon ko lang natapos. Buhay estudyante eh. Hehe :)
Basta, thank you so much guys. Sa mga nalungkot dahil sa story na 'to, pasensya na. Haha! Wala akong maisip na twist eh.
THANK YOU PO!!
- i_KiSS xoxo
BINABASA MO ANG
Until Forever By Jonaxx FanFic
FanfictionElijah Riley Vasquez Montefalco and Klare Desteen Limyap Ty