Stage 4
Limang buwan na ang nakalipas pagkatapos naming malaman ang tungkol sa kalagayan ko. Malaki na rin ang tiyan ko dahil walong buwan na ito at manganganak na ako sa susunod na buwan. Hindi ako nagpa-ultrasound dahil gusto namin ni Elijah na masorpresa pag nanganak na ako.
Minsan sumasakit ang ulo ko, sobrang sakit na parang mabibiyak na ito. Minsan naman ay halos isuka ko na ang buong laman ng katawan ko. Hirap na hirap na ako, ang gusto ko na lang ay magpahinga. Ngunit sa tuwing nahahawakan ko ang tiyan ko at nakikita ko si Elijah pati na ang buong pamilya kong nakasuporta sa akin lumalakas agad ang loob ko.
Nung mga nakaraang buwan ay maayos pa ang lagay ko kahit na labas-pasok ako sa ospital. Ngunit ngayon ay hindi na ako makalakad ng maayos, kailangan ko pa ng supporta kaya naman kumuha si Elijah ng private nurse para umalalay sa akin. Masakit para sa akin na makitang nahihirapan ang pamilya ko dahil sa kalagayan ko kaya pinipilit kong maging malakas para sa kanila.
Isang beses nagpapahinga ako pumasok sa kwarto namin ni Elijah sina Rixx, Kierre, Xian, Chance, Azi the IV at Yassi. Umupo silang anim sa gilid ng kama ko.
"Oh, anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko. Hinaplos ni Chance ang kamay ko. Ngumiti sila sa akin kaya napangiti na rin ako.
"Gusto lang po namin kayong bisitahin tita Klare." Ani Azi. Kamukhang kamukha niya talaga si Azrael, para silang pinagbiyak na bunga. Sana lang hindi niya manahin ang pagiging babaero ng daddy niya.
"Ganun ba? Thank you kids. This means a lot to me." Tugon ko. Kumatok naman sa pintong nakabukas sina Joshua, Carlisle at Aril.
"Hi tita Klare!" Anila. Kinawayan ko sila saglit.
Nag-usap usap kaming lahat sa kwarto. Pilit nila akong pinapasaya, kahit nasa murang edad alam na nila ang sitwasyon ko. Lalong lumalakas ang loob kung lumaban pa.
"Hey! Why are you all here? Pinapagod niyo ba ang tita Klare ninyo?" Ani Chanel kasama si Josiah.
"Hindi mommy ah, pinapasaya nga namin si Tita Klare eh." Sagot ni Chance sa kanyang ina.
"Oh siya tama na yan at hayaan niyo munang magpahinga ang tita niyo." Untag ni Josiah.
"Oh, tita Klare sa susunod ulit ah?" Ani Azi.
"Oo nga tita, ang ganda ng love story ninyo ni tito Elijah." Dugtong naman ni Yassi saka sila nagpaalam na lumabas.
"Hi Klare!" Bati ni Azrael at hinalikan ako sa noo.
"Hey, no touch!" Ani Elijah na kakapasok lang sa kwarto ko at hinawi ang kamay ni Azi na nakahawak sa kamay ko.
"Ang OA mo bra! Baka nakakalimutan mo pinsan ko yan." Aniya saka humalakhak. "Oh pano ba yan klare, bisitahin na lang ulit kita next time. Bye!" Pagpapaalam niya saka ngumisi.
"You tired, baby?" Ani Elijah, umiling ako.
"Ikaw, baka napapagod na kita." Sabi ko sa kanya habang humihiga siya sa kama at inilagay ang ulo ko sa braso niya para mayakap niya ako.
"Klare, you know I'll never be tired of you. Buong buhay kong aalagaan ka kung yun ang kinakailangan, I promised you that I'll take care of you kaya yun ang gagawin ko. I'll take care of you and love you forever baby." Aniya saka ako hinalikan. It was a sweet kiss. Sobrang swerte ko dahil si Elijah ang naging asawa ko at makakasama ko habang buhay.
Sa gabing yaon ay magkayakap kaming natulog ni Elijah. Kung maaari lang sana ay hindi na matapos ang gabing ito para hindi na kami magkahiwalay pa. Natatakot akong iwan siya dahil alam ko sa sarili ko na isa lang sa amin ng magiging anak ko ang mabubuhay. Lumalala ang kalagayan ko sa bawat araw na nagdadaan, wala ng naitutulong ang mga gamot na binibigay sa akin ni Selena.
Minsan ay sumasakit ang aking tiyan. At sa sobrang sakit ay halos maubusan ako ng hangin sa paghinga. Laging natataranta ang buong pamilya dahil halos araw-araw na nila ako kung dalawin. Isang araw dumating si Selena sa bahay at may dalang isang napakasamang balita na ikinagunaw ng mundo namin ni Elijah.
"Dra. Salvador-" Ani mommy na nag-aalala sa dalang resulta ni Selena sa isinagawang test sa akin nung nakaraang araw.
"Klare, Elijah.. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niyong dalawa, ayoko mang dagdagan but I think you have to know this by now-" Aniya.
"Know what, Selena?" Tanong ni Eliijah.
Seryosong naghihintay sila mommy at papa sa susunod na sasabihin ni Selena maging si Charles ay naghihintay din. Kami lang ang nandito dahil mamaya pa raw ang punta ng mga kapatid ko at pinsan.
"About the result, EJ. I want you all to be prepared to what I'm going to say-" Sagot ni Selena.
"Just say the fucking result, Selena. Wala kaming panahon para magpaligoy-ligoy, it's my wife's life we're talking here!" Napalundag si Selena dahil sa pasigaw na pagkakasambit ni Elijah nito.
"Elijah, let her do the talking." Saway ko sa kanya. Napasinghap na lang siya at humingi ng dispensa kay Selena.
"Klare's brain cancer is in stage 4." Nalaglag ang panga nilang lahat dahil sa narinig. Nakakarinding katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Napayuko si Selena, malamang ay nakaramdam ito ng guilt. Panay naman ang pagpapa-ulan ng mura ni Elijah sa tabi ko at hindi makapaniwala sa narinig niya. Maging ang paghawak niya sa aking kamay ay humigpit.
"Shit! That's not true! Paano mangyayari yan Selena? Lagi namang umiinom ng gamot si Klare at hindi siya nauubusan! That is fucking impossible!" Sigaw ni Elijah.
"Those aren't enough Ej, she needs to undergo chemotherapy but because she's pregnant she can't." Sagot naman ni Selena.
Lumapit sa akin si mommy at agad akong niyakap habang umiiyak, maging si mama marichelle ay hindi na napigilan ang pagtakas ng kanyang mga luha. Pinasadahan ni papa ng kanyang kamay ang kanyang buhok at bahagyang ginulo ito, bakas sa kanyang mukha ang awa sa akin ngunit hindi niya ito kailanman pinaramdam dahil alam niyang sa kanila ako humuhugot ng lakas para sa laban na 'to. Si daddy naman ay napaupo at napayuko, malamang umiiyak siya.
"Hindi pwede! Gagaling si Klare-" Pinutol ko si Elijah at tinitigan habang nakangiti.
"Klare, please don't smile like everything's gonna be okay. This is not easy for me, Klare! I can't lose you now!" Aniya. Niyakap ko siya.
"I know it's hard, but everything's going to be fine soon. We will be together. Always and forever, Elijah." Bulong ko sa kanya.
Binaon niya ang kanyang ulo sa aking leeg habang niyayakap ako. Hindi ko mawari kung bakit sumakit ang tiyan ko gayong di ko pa due pero hindi ko na kinaya. Sumabog na ang palatubigan ko!
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ni mommy. Nakaalalay sa akin si Selena at Elijah sa likod.
"AAHHHHHHHHHHH! Ang ng tiyan koooo!!!" Wala na akong ginawa kundi ang sumigaw dahil sa sakit. Hindi ko na kaya!
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos kong manganak, gusto ko lang sanang malaman ng pamilya ko na mahal na mahal ko sila lalo na si Elijah kasama ang magiging anak namin.
BINABASA MO ANG
Until Forever By Jonaxx FanFic
FanfictionElijah Riley Vasquez Montefalco and Klare Desteen Limyap Ty