Kabanata 2

7K 127 30
                                    

Welcome Back

Tiningnan ko si Elijah, tumango siya kaya lumabas muna ako para sagutin ang tawag ni Pierre.

"Ahia?"

"Shobe. You have to go home." Ani ni Pierre. Seryoso siya.

"Why? Is there something wrong Pierre?" Tanong ko.

"Ama-- passed away 2 days ago."

Halos manigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Pierre, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Si Ama. Hindi man lang kami nagkaayos bago siya umalis. Naramdaman ko ang paghawak ni Elijah sa mga balikat ko.

"What's wrong Klare?" Aniya.

"We have to go back." Yun lang ang naging sagot ko pero parang naintindihan niya dahil pagkabalik agad namin ng bahay inayos na niya ang mga gamit namin.

Ang sabi ni Elijah magpahinga na raw ako at siya na ang bahala sa lahat. Maaga ang naging flight namin from Amsterdam to Philippines. Halos buong araw din ang byahe dahil dumiretso kami ng Davao kung saan nakaburol si Ama. Hindi ko naininda ang pagod at sakit ng katawan at agad akong pumunta kina Papa.

"Klare?" Halos sabay-sabay nilang tanong na hindi ko napansin dahil dumiretso ako sa kabaong ng lola ko habang inaalalayan ako ni Elijah.

Hindi ko mapigilan ang mga luha kong nahbabadya ng lumabas. Napayakap ako ng mahighpit kay Elijah. Hindi ko 'to kaya. I'm sorry Ama. Sa lahat-lahat. Bigla namang hinatak ni Tita Tania ang braso ko saka ako pinasalubungan ng isang sampal.

Agad siyang hinawakan ni Papa pero nagpumiglas siya. Tinago ako ni Elijah sa likod niya pero mas pinili kong harapin si Tita Tania.

"Wala kang karapatang pagbuhatan ng kamay ang anak ko Tania." Ani Papa.

"Anak mo Ricardo. Anak mo sa labas! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Mama! Salot siya sa pamilyang ito!" Hinarap niya ako. "Hanggang kailan ka magbibigay ng pasakit sa pamilya namin Klare?! Lahat na nasaktan mo--" Hindi ko na siya pinatapos.

"Hindi ito matatapos hanggang hindi matanggap ang mga nanyari ilang taon na ang nakalipas. Lumayo ako, kami ni Elijah! Dalawang taon kaming nawalay sa mga pamilya namin para bigyan kayo ng kapayapaan tapos hanggang ngayon ako pa rin ang sisisihin ninyo? Bakit hindi niyo tanungin ang mga sarili niyo kung meron ba kayong nagawang maganda sa buhay niyo na hindi niyo malilimutan! Kailanman hindi ko hiningi ang pangalan ng pamilya ninyo! Tara na Elijah!" Sobrang sakit na pati pagkawala ni lola sa akin pa nila sinisisi. Umalis kami ni Elijah sa Davao nung gabing iyon at pumuntang Cagayan de Oro.

Habang bumabyahe hindi ko maiwasang maiyak dahil sa lahat ng masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila, sila na pamilya ko na dapat umunawa sa akin. Mahabang panahon akong nawala, kami ni Elijah para makaiwas at makalimot pero hindi ko inaasahan na hanggang ngayon hindi pa rin nila kami matanggap. Pinark ni Elijah ang Trailblazer niya sa tapat ng Montefalco Building, dito na lang muna kami. Nagulat ako ng hawakan ni Elijah ang mga kamay ko.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango ako. "I'm just sad kasi hindi ko nakausap sila Papa. I missed them so much Elijah."

"Don't worry baby makakausap mo rin sila. Punta muna tayo sa Daddy at Mommy mo kasi I'm sure they missed you too." Ani Elijah.

Tinulungan ko siya sa mga gamit namin papasok ng building at elevator. Masaya ako kasi nakabalik ulit ako sa lugar na 'to. Nasa tapat kami ng pinto ng bahay. Dinig namin ang tawanan at sigawan ng mga tao sa loob. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko iyong binuksan at tumambad sa akin ang buong angkan ng mga Montefalco.

"Klare!" Sabay na sigaw ng mga babae kong pinsan at nakipag high five naman si Elijah kina Azi. Niyakap nila kami. Ngayon ko lang rin napansin ang mga pamangkin ko, ang dami nila kasi halos di sila magkasya dito lalo pa't nandito din ang mga tito at tita ko. Agad na nahagip ng tingin ko ang nakangiti kong mommy kasama si daddy.

"Mi, Dy. I missed you so much!" Niyakap ko sila ng mahigpit.

"Kami rin anak, sobra ka naming namiss ng mommy mo at ni Charles." Ani Daddy.

"Speaking of Charles, nasaan nga ba siya Lorenzo?" Tanong ni mommy. Oo nga, nasaan na ba yun? Nako sigurado ako binatang-binata na siya ngayon. Baka may girlfriend na siya?! Lagot talaga sa akin kung sino man yang girlfriend niyang yan.

"I'm home!"

"Charles?" Damn! Ang gwapo ng kapatid ko. Kamukha niya si daddy.

"Ate Klare, Kuya Elijah!" Sigaw niya at niyakap kami ni Elijah. "Namiss ko kayo. Asan na pasalubong ko?"

Pinanliitan ko siya ng tingin, hindi pa rin nagbabago.

"Teka. Ikaw na bata ka high school ka na, baka naman may pinopormahan ka na? O di kaya tinuturuan ka nila Azi at Joss uminom? Nako pag ikaw Charles ha. Lagot ka talaga sa akin." Pangangaral ko sa kanya. Ngumiti lang siya at agad akong niyakap ulit. Namiss ko siya.

"Rixx!" Dinig kong sigaw ni Erin.

"Siya na ba si Rixx?" Tanong ko. Tumango si Erin. Nilapitan ko ang pamangkin ko at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Pinaghalong Erin at Hendrix. Niyakap niya ako at tinawag na Tita, masarap sa pakiramdam pero agad naman akong nangulila dahil hindi pa rin kami nagkakaanak ni Elijah. Nilingon ko siya na kausap ngayon sila tito, mukhang hindi pa naman siya nagmamadaling magka-anak ako lang talaga siguro ang nag-ooverthink.

May lumapit namang isa pang bata sa akin. Tinititigan ako ng malapusa niyang mga mata at kahit lalaki siya bagay iyon sa kanya. "Kierre?" Tanong ko at tiningnan ang nakangiting si Caludette.

"Tita Kare." Ang cute na bulol naman nitong batang to.

"Kamukha mo siya Clau." Sabi ko at nginitian din siya.

"Aba syempre, gwapo eh may lahing Montefalco." Pagmamalaki ng buntis kong pinsan. Mukhang magpapalahi si Pierre ah?

Niyakap naman ako ni Xian. Ang anak nina Damon at Eba. Ang first born na apo ng Montefalco Brothers.

"Tita. Namiss po namin kayo." Aniya.

"Ako din xi, namiss ko kayo. At ang laki-laki mo na. Naalala ko pa nung una kitang nakita, halos di mo ako lingunin sa hiya pero ngayon? Binata ka na. Ilang taon ka na ulit?" Tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga magulang niyang walang bahid ng katandaan. Ganung ganon pa rin.

"7 na po ako tita." Aniya. Tumango ako.

Nakilala ko din ang iba ko pang mga pamangkin. Si Chanel at Brian may anak na babae, si Chanette Rian. Si Josiah naman at Julia may Joshua Isaac. Si Kuya Knoxx at Entice may Courtney. Si Kuya Justin at Ate Aril may Jarille. Si Ate Yas naman at Kuya Ivan may Yassi Vana. Si Rafael namat at Liza magkaka-anak pa lang at mukhang sabay silang nagbubuntis ni Claudette. Meron na ring Azrael Ian Montefalco the Fourth ang pamilya at may kasunod pa, hindi talaga ako makapaniwalang si Marinella ang naging asawa ni Azi. Iniisip ko tuloy yung mga hirap na pinagdaanan ni Marinella sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay ni Elijah sa beywang ko kaya nilingon ko siya. Nakayakap siya sa akin mula sa likod. Ramdam ko ang hininga niya, nanginig ang buong sistema ko dahil dito.

"Gusto mo na bang magka-baby Klare?" Aniya habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking leeg.

"Oo nga Klare, kayo na lang yata ang wala pang supling dito." Sagot naman ni Erin.

"Hahahahaha! Ang hina mo pala Elijah, ba't kasi ikaw pa pinakasalan ni Klare?" Tawa at panunuya ni Klare.

" Shut up Azi kung ayaw mong isiwalat ko kay Marinella lahat ng baho mo." Ani Elijah habang pinagtatawanan si Elijah.

"They're right anak. Bakit nga ba hindi pa kayo nagkaka-anak ni Klare?" Tanong ni Daddy Exel.

Nagkibit-balikat lang si Elijah. Namuhay na naman ang kagustuhan kong magka-anak. Bakit nga ba sa dalawang taon naming magkasama hindi pa kami binibiyayaan ng diyos.

Until Forever By Jonaxx FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon