Kinabukasan ay nagising siya at agad na ipinalibot ang tingin sa silid. Tumingin siya sa tabi niya at agad na bumangon nang makitang wala na doon ang binata. Kagabi ay hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog dahil hindi niya magawang ipikit ang mata sa kaalamang nasa tabi niya lamang ang binata.
Magulo ang buhok niya at isang shirt na malaki ang suot pero nagpatuloy padin siya sa pag labas sa silid. Dinig niya ang balita at habang palapit doon ay nakita niya si Ryker na naka upo sa couch at nagkakape.
May kasiyahan sa mukha nito habang nakatingin sa tv kaya't tiningnan niya ang balita.
"Hindi na nakapalag pa ang famous filipino-american actor/model nang arestuhin ng mga operatiba dahil sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga....."
Agad na nanlaki ang mata niya dahil doon. Makikita sa mukha ng aktor ang galit habang hawak ito ng mga pulis, mugto na din ang mata nito dahil siguro sa pag iyak. Kilalang kilala ang aktor dahil sa galing nito sa pag arte at sa taglay nitong kagwapuhan ngunit ngayon ay ibang iba ang itsura nito. Tila napaka miserable nitong tingnan sobrang layo sa pagkakakilanlan nito.
Malungkot na nalipat kay Ryker ang tingin niya ng tumayo ito at makita siya na nakatayo sa likod ng couch. Napansin niya ang gulat sa mukha nito na agad ding nawala ng mapansing nakatingin siya.
"Goodmorning.." bati niya dito saka tipid na ngumiti.
Saglit siya nitong tiningnan saka tumango. "I'll prepare your breakfast" saad nito at nilampasan siya.
"Narekober sa bahay nito ang isang case ng ilegal na droga at nagkalat na sampung maliliit at isang medium size na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at iba pa. Hinihinala din na ilang araw bago pa man ito ikasal ay gumagamit na ito ng ilegal na droga na siyang naging dahilan umano ng pakikipagtalik nito sa ibang babae bago pa maganap ang kasal."
Nag play pa saglit ang video ng nangyari sa kasal nito kung saan nasa malaking screen sa harapan ang video ng pakikipagtalik nito sa ibang babae. Kitang kita ang pagkadisgusto ng bride habang nakatingin doon at dinig din ang pagbubulungan ng mga taong nanduon.
Naitakip niya ang kamay sa bibig ng madinig ang balita. Nakakatakot, kahit ang isang aktor na halos nasakaniya na ang lahat ay nagagawa pa ang mga bagay na iyon.
Halos mapatalon siya sa gulat ng tapikin siya ni Ryker sa balikat. "Kumain ka na."
Napatingala siya sa lalaki. Komportable naman siya sa presensya nito at mukha din itong disenteng tingnan pero ganun din naman noon ang aktor na nasa balita. Binalot ng takot ang puso niya ng sunod sunod na pumasok sa utak niya ang mga posibleng ilegal na ginagawa ng lalaki.
Nagbalik lamang ang isip niya sa kasalukuyan ng marinig ang malalim na paghinga ng binata. "Kumain ka na, pagkatapos magbihis ka may pupuntahan tayo." Tumagal pa ng ilang segundo ang titig nito sakaniya at saka pinatay ang tv bago siya iwan doon.
Gaya ng sinabi nito ay kumain na siya ng breakfast at pagkatapos ay naligo. Nagsuot siya ng kulay pink na dress na hanggang tuhod niya pagkatapos ay nagsuot ng flat sandals. Mayroon siyang stiletto pero iniwan niya iyon sa bahay ng nga magulang niya at isa pa ay ayaw niya talaga ng mataas na heels dahil masakit ito sa paa.
Hinayaan niya na lamang na nakababa ang buhok at matapos mag ayos ay hinanap niya na kaagad ang binata na natagpuan niya naman agad sa balkonahe at tila may kausap ito sa cellphone.
YOU ARE READING
Recklessly Chasing
RomanceRyker Xavier is part of something that is both legal and illegal. He's a good friend during the day but someone dangerous every night. He never think about marriage, never in his life. He doesn't want to get married to someone but not because he do...