Chapter 6

3 0 0
                                    


Nagising siya ng madinig niya ang boses ni Ryker. Nasapo niya ang noo, nakatulog pala siya at medyo mahaba pa. Lagpas ala una na at mukha agad ni Ryker ang nakita niya.

Well it's not that bad... Kung hindi lang ito naiinis sakaniya.

"Eat, then, we're going home." wika nito na tila malalim ang iniisip.

Rice and fried chicken..

"Uh.. Inorder ni Zayden" wika nito na tila binabasa ang isip niya.

"Thank you" saad niya saka nagsimulang kumain. Umalis naman ito agad at hinayaan siya doon.

Zayden.. so his friends name is Zayden.

Mabilis niyang tinapos ang pagkain. Hinugasan niya na din ang pinagkainan.

Matapos mag ligpit ay naligo siya. Ryker went to talk to his friend for a while bago sila tuluyang umalis doon. Bumalik sila sa kung saan nito iniwan ang sasakyan at nag maneho pauwi.

She did not sleep the whole ride pero ng may madaanan na fast food ay agad siyang natakam.

"Gutom ka?" nabaling ang tingin niya sa binata ng magsalita ito.

She nodded. "A little.."

Tumungo sila sa drive thru at doon nag order ng pagkain. She added a bucket of fries just because she miss the taste of it.

"Mauubos mo ba yan?" May pilyong ngiti sa labi ng binata habang nakatingin sa pagkain na nakapatong sa hita niya.

Hindi niya mapigilang ngumuso dahil sa tanong nito "We can share, I don't mind." saad niya dahil baka iniisip nito na matakaw siya.

Umiling lamang ito habang nakatutok ang mata sa daan, hindi padin nawawala ang ngiti sa labi.

Tinatawanan niya ba ako?

"Here..." Inilapit niya sa bibig nito ang fries. "Open your mouth dali" saad niya pa.

Saglit siya nitong sinulyapan bago nito ibuka ang bibig para kainin ang fries na inalok niya.

"Do you like fries too?" She asks.

"Do you like it?" Balik tanong nito sakaniya.

Her eyes lit up immediately "Yes, I like fries more than burgers actually." she answered. "But.. I don't like cheese." She added.

Tutok padin ito sa pagmamaneho. "Where are we going, Ryker?" tanong niya ng maalalang busy ito.

"Were going back to my place." Sagot nito "Don't worry, Vin won't be there." Dagdag pa nito.

"Is he your friend?" Tanong niya

"Well yeah, sort of"

Nakarating sila sa condo nito at agad na pumasok. Naubos niya na ang pagkain sa kotse palang kaya't tinapon niya na lamang ang mga kahon nito sa basurahan pagkarating.

Hapon na kaya't agad siyang naligo dahil pakiramdam niya ay maraming alikabok sa katawan niya. Dumiretso siya sa banyo at pagkatapos ay nagbihis ng damit. Kakaunti lamang ang dala niya pero sapat na ito para sa ilang araw.

"Hey.." bungad nito pag pasok niya sa kusina. Nagluluto na ang binata at amoy na amoy niya ang bango nito— ng luto.

"Hi! Anong niluluto mo?" Tanong niya saka umupo sa harap ng lamesa.

"Shrimp" simpleng sagot nito. "You're going to college next month, right?" humarap ito sakaniya hawak ang niluluto.

Right! College.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Recklessly Chasing Where stories live. Discover now