Simpleng babae. Simple at mapagmahal na anak. Ang gusto ko lang naman ay makatapos ng pag aaral upang maipagmalaki ako ng mga ito at masuklian ko ang hirap nila. Isang babae na sinubok na ng panahon. Lumaki siya sa poder ng kanyang lola dahil hiwalay na ang kanyang mga magulang. Pero kahit na hindi niya kapiling ang kanyang magulang ay patuloy pa din ang suporta nito sakanya at pagmamahal. Na kahit may ibang pamilya na ang tatay ko ay sinusuportahan pa din ako nito. Ang nanay ko naman ay hindi na nag asawa dahil ako lang daw ay sapat na sakanya at ako lang naman daw ang mahalaga sa buhay niya. Nasa ibang bansa siya nagtatrabaho dahil ayaw nitong iasa sa tatay ko ang lahat. Ayaw din ni nanay na may masabi sakanya ang pamilya ni tatay dahil galing sa mayaman itong pamilya. Ramdam ko ang pagmamahal nila kahit hindi ko sila kasama.
Naalala ko noon kapag may family day sa school ay hindi na lang ako uma-attend dahil wala naman dadalo sa akin kaya laging wala akong extra points sa ibang subjects namin. Ang ginagawa ko magkukulong na lang ako sa kwarto at doon iiyak dahil naiingit ako sa mga kalaro ko dahil buo ang pamilya nila. Ako na laging nag iisa. Pero pinaintindi sa akin ni lola na hindi lahat biniyayaan ng isang masaya at buong pamilya na kahit hindi ko sila kasama ay mahal nila ako. Kahit papaano ay naintindihan ko. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na maranasan ng magiging anak ko ang sinapit ko gusto ko silang bigyan ng masaya at buong pamilya. Nung nag college na ko may nakilala ako. Pinaramdam niya sa akin kung paano ang mahalin at kung paano ang magmahal. Ang taong akala ko bubuo ng pagkatao ko. Ang taong akala kong kasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko. Akala ko lang pala... Dahil siya... Siya ang sumira ng pangarap ko. Winasak niya ako. Binigay ko naman lahat bakit sa huli ako pa rin ang nasaktan... Ako pa rin ang naiwan... Nagpapasalamat pa rin ako sa pagdating niya sa buhay ko dahil biniyayaan ako ng isang magandang regalo. Pinaka magandang biyaya na na dumating sa buhay ko. Ang tunay na magmamahal sa akin at hindi ako iiwan. Ngayon pa ba ako susuko? Hindi ako pwedeng maging mahina. Para sa mga mahal ko sa buhay ay kakayanin ko to. Kakayanin ko to. Hindi pa ito ang katapusan ng buhay ko. Ito pa lang ang simula ng bagong kabanata ng buhay ko.

BINABASA MO ANG
Broken Vow
Fiksi UmumAfter a while, you learn the difference between holding a hand, and falling in love. You'll learn kisses don't always mean something. Promises can be broken just as easily as they were made. And as hard as it is to believe, sometimes goodbyes are fo...