Kabanata 4

590 11 4
                                    

Kabanata 4

"Anong pinag usapan niyo ni lola?" Pangungulit ko kay Steven. Ngumiti lang ito.

"Huyyy. Wala ka bang balak talagang sabihin sakin?"

"Secret nga. Malalaman mo rin sa tamang panahon." Nakangising sagot nito. Napanguso na lang ako. Ang daya!

"Kanina pa tayo nagba-byahe saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko. Kasi naman alas-otso pa lang ng umaga ay nagbyahe na kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nasa SCTEX kasi kami ngayon

"Baguio, baby." Simpleng sagot nito. Napatango naman ako.

"Ahhh. Baguio naman pala.... Ah! Shit! Anong sabi mo? Baguio? Ano gagawin natin doon?" Natatarantang tanong ko

"Wala lang. Pagdating natin doon uuwi rin tayo agad. Ikot-ikot lang. You know road trip." Tumawa pa ito ng nakakaloko. Binatukan ko naman ito.

"Ako ba pinagloloko mo ha?!"

"Chill babe. Mag bakasyon lang tayo 2 days lang naman tayo. Don't worry napag paalam na kita kay lola at hindi kita niloloko at hindi ko magagawang lokohin ka." Sabay kindat pa nito. Hinampas ko naman ito pero tumawa lang ito.

Naging mabilis lang ang byahe namin. Napangiti naman ako habang nakatanaw sa labas. Naalala ko noong huling punta ko sa baguio ay noong grade 6 ako dito kami nag celebrate ng pasko nila nanay at lola dahil aalis na si nanay para mag abroad. Namiss ko tuloy si nanay.

Huminto kami sa isang may kalakahing bahay. Simple lang ito pero ang ganda. Lumabas na si Steven at kinuha ang mga gamit namin. Talagang ready na pala ang gamit ko inayos ni lola. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Steven. Dala-dala niya ang gamit namin ng sinalubong kami mag asawa. Nginitian naman ako nito.

"Sir, naka ayos na po ang silid niyo. Nagluto na rin ako ng pananghalian niyo. Siguradong nagutom kayo sa byahe." Nakangiting sabi ng babae

"Thank you po, manang Martha." Magalang na sabi ni Steven

"Ako na magdadala ng gamit niyo." Sabi nung lalaki

"Nako, wag na ho mang Jose kaya ko pa na ito." Nakangiting sabi ni Steven

"O siya, tawagan niyo na lang kami kapag may kailangan kayo." Nakangiting sabi ni aling martha.

"Sige po." Sabi namin

"Ang ganda ng nobya mo. Nako! Wag mo ng pakawalan!" Pahabol pa ng mag asawa. Natawa naman si Steven.

"Ay hindi niya po ako nobya!" Pahabol ko naman. Tumawa lang ang mag asawa at umalis na.

"Dadalhin ko na ito sa taas, gusto mo ba magkasama tayo sa kwarto?" Nakangising sabi ni Steven

"Asa ka!"

"Joke lang. Baka makalusot lang. Let's go. I will bring you to your room." Sabi nito. Dinala naman ako nito sa kwarto. Ang masasabi ko lang ang ganda. Sobra.

"This will be your room. Feel at home. Basta if you need anything just call me okay? Yung room ko yung nasa may left sa dulo. Alright? Pagtapos mo dyan kakain na tayo or gusto mo na tulungan kita sa pag aayos ng gamit mo?

"No. Okay na ko. Ako na lang. Thanks."

"Okay. See you later." Nakangiting sabi nito at umalis na.

Inayos ko ang gamit ko at nahigang sandali sa kama. Kahit naka upo lang ako sa byahe ay napagod ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko ay medyo madilim na. Biglang kumalam ang sikmura ko. Nagugutom na ko. Paglingon ko sa may side table para kunin ang phone ko ay nakita ko isang tray. Nandoon ang lunch ko. May note pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon