Kabanata 2

464 10 3
                                    

Kabanata 2

Nitong mga sumunod na araw naging busy ako dahil sa inaasikaso ko ang thesis ko. Lagi pa rin naman ang text at tawag sakin ni Steven. Minsan na nga lang ay hindi ko na sinasagot dahil napakakulit nito. Dahil kapag nagsimula na kaming mag usap ay malamang tuloy-tuloy na. Sa totoo lang mabait si Steven. Gwapo at mayaman. Pero hindi basehan ang itsura at yaman para mahalin mo ang isang tao. Kino-consider ko naman siya na kaibigan pero mas higit pa doon ang gusto niya. Ang tanong, bakit ako? Maraming magaganda sa school namin na talagang naghahabol sakanya. Anong mapapala niya sa akin?

"Sissy! Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Anne, bestfriend ko.

"May hinahanap kasi akong aklat. Tara na mag lunch na tayo." Sabi ko

"Let's go! Gutom na ko." Humalakhak na sabi na to. Habang naglalakad kami ay nagkukwentuhan kami

"Hinahanap ka sakin ni fafa Steven kanina hindi mo daw sinasagot ang texts at calls niya. Ikaw babaita ka! Umamin ka nga. Kayo na ba?" Nakangising sabi nito. Bigla naman akong napailing

"Hindi! Kabahan ka nga sa sinasabi mo." Natatawang sabi ko. Kami ni Steven? Malabo.

"Pakipot ka pa! Bagay na bagay kaya kayo! Ang gwapo at hot niya kaya. Pak na pak!" Natatawang sabi ni Anne. Napailing na lang ako.

"Baliw ka talaga." Sabi ko na lang. Pagdating namin sa canteen ay nag nag order na kami at kumain binilisan lang namin dahil may class pa kami.

Pagpunta namin sa room ay saktong kadarating pa lang din ng prof namin. Habang nagkaklase kami ay may kumatok nilabas naman ito ng prof namin at pagpasok nito ay nakangisi ang prof namin na ipinagtaka ko. Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat ko. Bigla na lang nagtilian ang mga classmate ko. Kaya napatingin ako sa harap at laking gulat ko ng makita ko si Steven na nakangisi habang papalapit sa akin. May dala itong bulaklak at chocolate. Bigla naman akong hinampas ni Anne na nasa tabi ko. Ilang saglit na lang ay nasa harap ko na si Steven. Ngumiti ito sa akin.

"For you my Helene." Sabi niya at abot sa akin ng mga dala niya. Ayaw ko sanang tanggapin kaso sinisiko ako ng kaibigan ko at nagsisigawan na ang mga classmate ko. Ngumiti na lang ako.

"I miss you." Bulong nito sa akin. Tumikhim naman ang prof namin.

"Mamaya na kayo magligawan Mr. Dela Vega may klase pa kami." Sabi ng prof ko. Nagpaalam naman si Steven at paglabas nito ay bulungan ang mga classmate ko may ibang kinikilig may iba naman naiinggit. Napailing na lang ako.

"Shocks sissy! Ang sweet! Woooh!" Tili ni Anne kaya napagalitan ito.

Pagtapos ng klase namin ay dumaan muna kami sa library para manghiram ng libro na gagamitin namin. Palabas na kami ng library ng makasalubong namin si Marco. Nginitian naman kami nito ng nakita niya kami. Nakaramdam ako ng kilig. Ang gwapo niya talaga bulong ko.

"Mas gwapo at hot naman si Steven dyan." Bulong ni Anne. Napalakas pala ang bulong ko.

"Hi Helene! Hi Anne! Pauwi na kayo? Hatid ko na kayo." Nakangiting bati nito. Ang bait niya talaga. Haaay. Papayag sana ako ng bigla kong naisip si Steven na nakisamangot. Teka... Bakit ko ba siya naiisip.

"Uhm. Nako wag na baka maabala ka pa." Sabi ko.

"Hindi yan. Okay lang sakin. Tapos kain tayo treat ko." Sabi nito

"Sure! Libre naman pala. Hehe." Sabi pa ni Anne at nag peace sign. Natawa na lang ako basta libre talaga mabilis to.

"Let's go? Ako na magdala ng books na dala niyo." Alok nito pero tumanggi kami kaso si Anne binigay ang books na dala namin dahil mabigat daw.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon