Kabanata 3
Nagising ako ng biglang may naramdaman ako ang patpat na marahang pinalo sakin ni lola. Muntik pa akong mahulog sa kama dahil sa gulat ko.
"Lola naman! Ang sakit niyan ha! Aray ko po." Sabi ko sabay himas sa may bandang pwetan ko. Hindi naman ganong kasakit talaga. Inaasar ko lang si lola.
"Magtigil ka ngang bata ka! Kanina pa kita ginigising hindi ka gumigising dyan. Naka ilang tawag na ko ayaw mo pang bumangon! Bumangon ka na at maligo dahil nasa baba si Steven naghihintay sayo. Bilisan mong kumilos kundi makukurot kita sa singit." Sermon ni lola sa akin
"Lola naman, sino ba talaga ang apo mo sa amin dalawa?" Nakangusong sabi ko at kinurot ako ni lola pero mahina lang
"Tama na ang drama apo. Bilisan mo na para makapag almusal ka na rin."
"Opo lola." Sabi ko na lang at lumabas na si lola.
Dali-dali akong kumilos para di ako mapagalitan ni lola. Pagkatapos ko ay bumaba na ako at naabutan ko si Steven na ka-kwentuhan ni lola. Sobrang close talaga sila. Napangiti ako.
Napatingin sakin si Steven at nginitian ako. Nakasuot ito ng blue long sleeve na nakatupi hanggang sa may siko nito at gray faded pants. Amoy na amoy ko din ang pabango nito. Shit! Bakit parang guma-gwapo siya sa paningin ko?
"Apo yung laway mo tumutulo." Natatawang sabi ni lola. Napapunas tuloy ako sa may bibig ko. Wala naman ah? Biglang natawa ang dalawa.
"Helene naman, huwag mo naman ipahalata na sobrang naga-gwapuhan ka sa akin. Diba po lola?" Nakangising sabi ni Steven. Nag init naman ang pisngi ko. Ang gaga ko talaga. Nakakahiya.
"Che! Asa ka naman!"
Nag asaran muna kami bago ako kumain pagtapos ay hinatid ako nito sa school. May pupuntahan pa raw ito kasama ang daddy nito. Graduation na lang rin ang hinihintay nito. Nakaramdam ako ng pagkasabik kasi uuwi si Nanay sa graduation ko.
Naging maayos naman ang araw ko wala ng masyadong ginagawa dahil malapit naman na ang graduation. Pauwi na kami ni Anne ng naisipan namin na magpunta muna sa isang restaurant para kumain. Libre daw ni Anne. Pagpasok namin ay kumalam na agad ang sikmura ko sa bango ng mga pagkain. Umupo kami sa may malapit sa bintana para maganda ang view nag order na kami. Habang hinihintay namin ang order namin ay nagkukwentuhan kami. Pagdating ng pagkain ay agad namin itong nilantakan sa totoo lang ang lakas namin kumain dalawa. Pagkatapos namin kumain ay nagpunta muna kami sa restroom. Pero bago pa man ay may napansin akong pamilyar na tao. Di ko lang masyadong napansin kaya hinayaan ko na lang. Pagbalik namin sa table namin doon ko natitigan sa di kalayuan ang taong iyon. May kasama ito. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Nag uusap lang naman ito at wala naman ginagawang masama ang mga ito pero bakit ganoon ang nararamdaman ko? Nakakaramdam ako ng paninibugho?
Si Steven may kasama siyang babae. Hindi naman na bago sa akin kung may kasama ito dahil alam ko naman na sa gwapo nito ay marami talagang nagkakagusto rito.
Napansin ni Anne ang tinitignan ko. Bigla naman hinawakan nito ang braso ko.
"Gusto mo sugurin ko sissy? Aba! Malilintikan sakin yung babae na kasama niya!"
"Ano ka ba, huwag na. Wala naman tayong karapatan na awayin yun. Isa pa wala naman silang masamang ginagawa."
"So hihintayin mo pa na may gawin sila?"
"Wala naman ako pake. Hindi ko naman siya boyfriend. Isa pa, wala naman kaming relasyon." Mahinang sabi ko
"Girl naman! Kung si Steven kung makabakod sayo wagas bakit hindi mo itry na ibakod din siya? Hindi mo ba pansin na mukhang naiinip na ito sa kasama nitong babae?"
"Hayaan na natin sila. Tara na umuwi na tayo."
"Nako! Tara na nga!" Sabi ni Anne at lumabas na kami. Nilingon ko sila at nagulat ako ng nagtama ang mata namin ni Steven.
Nakasakay naman kami ng taxi. Ang lalim ng iniisip ko. Bakit ganoon? Parang ang sakit. Weird ba? Pagkarating ko sa bahay ay nag diretso na ako sa kwarto ko. Pagtapos kong magpalit ng damit ay nahiga na ako. Diba dapat maging masaya na ako kasi may iba ng kasama si Steven at di niya ako kukulitin? Pwede ko ng makausap si Marco ng walang epal. Pero bakit ganon? Mas gusto ko yung pangungulit ni Steven. Nalulungkot ako.
Natigil ako sa pag iisip ko ng may kumatok.
"Apo, nandito si Steven sa baba. Puntahan mo." Sabi ni lola
"Sige po." Tumayo ako pinuntahan siya. Nakaupo ito sa sala.
Agad naman itong tumayo nung nakita ako.
"Helene, yung nakita mo wala yun. Wag kang mag isip ng masama." Agad na sabi nito
"Wala naman akong tinatanong diba? Wala ka naman din na dapat ipaliwanag sakin kasi wala naman tayong relasyon." Malamig na sabi ko
"Helene naman... Alam mo naman diba na ikaw ang gusto ko? Ikaw lang..."
"Okay." Sabi ko
"Helene please... Wag ganito. Pinagbigyan ko lang si mommy na i-date yung anak ng kaibigan niya. Ayokong pumayag pero alam mo naman na maramdamin yun. Sabi ko last na yun dahil may iba akong gusto. Ipapakilala kita para hindi na nila ako ireto kung kani-kanino." Seryosong sabi nito
Ipapakilala niya ako? Kinabahan ako.
"Hindi mo naman kailangan gawin yan... At okay lang naman na makipagdate ka."
"No! Ikaw lang ang gusto ko! Kapag nakipag date ako sa iba parang pinayagan ko na rin na makipag date ka sa iba. Hell no! Hindi ako papayag!"
Pwede bang kiligin? Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Steven naman..."
"I'm serious." Sabay hawak nito sa kamay ko. Hinalikan nito ang likod ng palad ko at nilagay ito sa dibdib nito. Ang lakas ng tibok ng puso ni Steven.
"Did you feel it? Para sa iyo ang pagtibok ng puso ko. Para sayo lang."
Bigla akong nakaramdam ng pamamasa ng mata ko. Gusto kong maiyak.
"Mahal kita." Sabay halik sa noo ko
"Steven..." Mahinang sabi ko
"Bigyan mo lang ako ng chance para mapatunayan sayo ang pagmamahal ko. Please." Sabi nito habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Bago pa man ako magsalita at may biglang nagsalita. Bigla naman akong napabitiw kay Steven.
"Pero bago siya pumayag, mag usap muna tayo Steven iho." Sabi ni lola tumango naman si Steven at iniwan akong tulala sa sala.
to be continued...
Note: Short update! Sorry sa lahat ng errors. Sorry at natagalan din ang update busy na naman ako. Hahaha. Salamat sa suporta niyo! Mahal ko kayo! ❤
BINABASA MO ANG
Broken Vow
General FictionAfter a while, you learn the difference between holding a hand, and falling in love. You'll learn kisses don't always mean something. Promises can be broken just as easily as they were made. And as hard as it is to believe, sometimes goodbyes are fo...