Kabanata 1

1.5K 16 3
                                    

Kabanata 1

Helene's POV

Huling taon ko na ngayon bilang isang kolehiyo. Sa wakas ay makakatapos na ako. Ang pangako sa akin ni nanay kapag nakatapos na ako ay kukunin niya ako at dadalhin sa Italy. Gusto ko ng makasama si nanay. Matagal niya ng sinasama si lola pero ayaw nito dahil wala daw akong kasamang maiiwan sa Pinas. Hindi naman ako pwede makitira sa tatay ko dahil sigurado akong magagalit sakin ang asawa nito. Okay lang naman ako dahil masaya naman na ako na si lola ang kasama ko. May nanay din ako. Pero syempre minsan di maiiwasan na malungkot. Byuda na ang lola ko. Gusto ni lola ay sabay kaming umalis papuntang Italy kapag nakatapos na ako. Konting tiis na lang at magiging isang ganap na guro na ako.

Dating guro ang nanay ko. Nang nagpunta ito sa Italy ay nagturo ito doon bilang isang English teacher. Nung nakapag ipon na ito ay nakapagpatayo ito ng isang maliit na super market. Natigil sa pagtuturo si nanay nung nagkasakit ito. Dahil hindi lang guro ang pinasok nito pati kasambahay kapag wala itong pasok. Kaya nga naiiyak na lang ako sa daming hirap na dinanas ni nanay. Kaya kapag nakatapos ako ay ako naman ang mag aalaga sakanya.

"Pwede ba, Steven? Tigilan mo na ako wala kang mapapala sa akin!" Naiinis na sabi ko sa lalaking ito. Mahigit isang taon na akong nililigawan nito pero di ko alam kung bakit ayaw ko sakanya. Matalino, mayaman at gwapo ito. Maraming naghahabol sa lalaking ito dahil siya ang pinaka sikat at gwapo daw sa school namin pero ewan ba at hindi siya ang tipo ko. May iba akong gusto si Marco. Mag kaibigan kami nito minsan nararamdaman ko rin na gusto ako nito pero wala pang malinaw na pag uusap. Dahil laging napuputol dahil laging nakasubaybay si Steven. Nakakainis!

"What? I'm just following you. May masama ba don?" Nakangising sabi nito

"Oo! Masama dahil nakakainis ka na! Kailan mo ba ako titigilan?" Naiinis na sabi ko pero tumawa lang ito kaya lalo akong nainis

"Hanggang sa sagutin mo ako. Ang tagal ko na sayong nanliligaw hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinasagot." Nakasimangot na sabi nito

"Hindi kita sasagutin! Ilan beses na kitang binasted bakit ba ayaw mong tumigil?" Naiinis na sabi ko. Alam kong naririnig na kami ng ibang tao rito sa hallway.

"Ay ang feeling ni ate." Sabi nung isang babae

"Oo nga choosy pa. Hmp." Singit nung isa

"Akala niya naman pretty siya. Duh!" Maarteng bulong pa nung isa.

Hindi na bulong dahil alam kong gusto talagang iparinig nito sa akin. Mas lalo akong nainis simula nung nanligaw kuno sakin tong si Steven ay mahigit kalahati ng populasyon ng babae sa school na ito ay nang aaway sakin. Dahil nagagalit sila kasi nanliligaw ito sa akin. Kaya mas lalong ayaw kong maging boyfriend ang lalaking to dahil gulo lang ang dala nito sa buhay ko.

"Shut the fuck up." Inis na sabi ni Steven sa mga babaeng nagbubulungan kanina. Napayuko naman ang mga ito na parang naiiyak at umalis na din.

"Nakakainis ka! Dumami ang nagagalit sakin sa school na to dahil sayo! Argh!" Naiinis na sabi ko. Pero inakbayan lang ako nito

"Don't worry. I'll be always here. Hindi kita pababayaan." Sabi nito at sabay kindat sakin. Siniko ko naman ito at tumawa lang ang siraulong lalaki. Hinatid pa ako nito sa klase ko.

"Okay, see you later? Sunduin kita, hintayin mo ko. Take care!" Sabi nito at halik sa pisngi ko. Sabay takbo. Lalo akong nanggaliiti sa galit. Pinunasan ko ang pisngi ko. Buti na lang walang masyadong tao sa labas ng room. Kundi malamang lagot na naman ako. Haaay.

Nang matapos ang klase namin ay agad ko ng niligpit ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas para matakasan si Steven. Alam kasi nito ang oras ng klase at uwian ko. Binilisan ko ang lakad ko ng hindi ko napansin na may nakabunggo ako at nahulog ang mga dala kong gamit.

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon