Chapter 5

1.6K 51 1
                                    

" Dito ka matulog, Stranger. " Turo sa sofa ni den sa akin.

Katatapos lang naming kumain at sobrang busog ako sa dami ng nakain ko. Hindi kasi ako nakapag lunch kanina.

" Yes ma'am. " Sabi ko sabay upo. Ni hindi na nga ako makagalaw. Na any minute ay puputok na ang tiyan ko. " I wonder how amy is doing entertaining our bestfriend. " Tapos ay tiningnan ko siya na naka ngiti habang nakatingin din sa akin. " Amy must have been real surprised. Pag nakita na niya ang ultimate crush niya. For sure. "

Nagulat ako nang bigla siyang humiga sa tabi ko. ang sarap niyang tingnan buong araw.

" Kaya mo ba si besh Ella pinapuntang new zealand? You're matchmaking. "

" Well, " shit! nahalata niya siguro. " Ella and Amy don't know what i'm up to. Ang akala lang ni kiwi, ay nag invite lang ako ng kaibigan duon para mag Christmas, sinabihan ko naman siyang alagaan niya habang wala ako. Ang hindi niya alam, si crushy niya yun. " Mahaba kong paliwanag. Baka kasi magalit dahil hinihamasukan ko ang love-life nang besh niya. " Haba ng hair ni liit. " I added.

" Ang sama mo! pag nalaman niya ang pinanggagawa mo, matatalakan ka nun. " Tawa-tawa niyang sabi.

" Mahal ako nun. Noong una nga nagka crush ako dun kay liit eh. Mga first player yr. Ko non sa ateneo. " I don't know why nag o-open na ako sa kanya.

" Really?! " hindi makapaniwalang tanong niya.

" Bakit? maganda naman si ella ah? "

Tumawa na naman uli ito. " Haha wala naman akong sinabing hindi ah? oh anong nangyari? nalaman ba niya? "

" I .. sort of told her. Sabay naming pinagtawan yun. I even joke her na she didn't attract me that much, na na turn off agad ako sa kanya kasi nga napakatakaw at maliit siya. "

Bigla naman si den umupo at napahawak ng tiyan. Tawang tawa siya talaga sa akin , ni hindi na nga makagalaw sa pwesto niya.

" Hoy, dennise, okay kalang? hahah " pinag tatapik ko naman siya sa balikat.

Tango naman siya nang tango. At nang makabawi sa tawa ay napa sigaw siya. " Whooo! "

Nagulat naman ako sa ginawa niya.

" Grabe. Yun na siguro ang pinaka funny na narinig ko. "

Napailing naman ako. She's impossible. Haha..

" Mga 2 days niya akon hindi pinansin dahil duon. Sineryoso kasi at dinamdam. Nag sorry naman ako kaya ayun di siguro ako natiis, nagka bati din kami. "

" Suguro kong naabutan lang kita sa team..malamang naging close din tayo, no? "

Natigilan naman ako sa sinabi. I wish! siguro napormahan pa kita.

Erase

Erase

Erase Alyssa!

" Oo nga no? " yun lang ang nasabi ko. Kasi pag nagkataon talaga. Mag kaka crush ako sa iyo.

Napahiga naman siya uli. " Tell me about your bestfriend amy, what's her like? "

" Amy? quiet, steady. Yung klase ng taong, gugustuhin mo bilang isang kapatid. "

" Anong nakakatawa? " tanong niya bigla.

" Bakit? nakangiti ba ako? "

tumango naman siya. " Yes. "

" Sinusubukan ko lang kasing e-imagine kung paano si Amy mag r-react pag nakita niya si Ella. Mahiyain kasi iyun and knowing ella, na alam mo na, bully yun at sobrang kabliktaran siya ni amy. "

Travelling with A Stranger ( ft. Alyden )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon