When we say Rpw unang maiisip natin is pekeng mundo...Pekeng mundo— kung saan lahat peke, except nalang siguro sa feelings mo...
Fake world kung sasabihin ng iba? Well, yeah. Rpw is fake world, fake identity, fake picture, but you know what is true? Your feelings, your feelings for someone, yung pinaparamdam mo sa taong nakasalamuha mo ro’n... 'Yon ang totoo.
Sabi nga ng iba, 'huwag mong seryosohin ang pekeng mundo kasi ikaw lang ang masasaktan'. Well, yeah it's true.
Pero mapipigilan mo kaya ang puso mo kapag ito na ang titibok? Magagawa mo paba ang sinasabi nila na huwag magseryoso sa pag-ibig? Paano kapag nahulog kana sa taong 'yon ngunit rpw mo lang nakilala? Paano kapag isang araw bigla nalang siyang mawawala? Paano kana? Paano na ang puso mo? Kakayanin mo paba kung sa pagpasok mo sa mundong iyon buo kapa ngunit sa paglabas mo wasak kana...
You escaped the pain in rw that's why you entered rpw pero sakit rin pala ang dulot sa'yo sa mundo iyon.
Paano mo ba malalampasan nor maiiwan ang mundong ni minsa'y naging dahilan rin ng kasiyahan mo. Ang mundong naging dahilan ng pag-iyak, pagtawa at dahilan ng kilig mo?
Sa mundong iyon marami kang makikilala kahit hindi mo naman sila kaano-ano pero sila rin ang dahilan kung bakit naging kompleto ang buhay mo, sila ang nand'yan kapag down na down kana kahit minsa'y sila rin ang dahilan kung bakit ka malungkot... Ngunit rpw nga diba? Lahat aalis sa mundong iyon at mag fo-focus na sa totoong mundo—mundo kung saan nag e-exist ang love, nag e-exist ang lahat.

YOU ARE READING
Through the years
No FicciónThis story is based on real story. I create this story just to expressed the author's emotion though her life in rpw world.