Zhaine's POV
Pagdilat ng mata ko...
O.O
Nandito na pala ko sa kuwarto ko. I'll try na bumangon and I feel something aching in my Stomach. "Ugh.." Marahil masakit parin yung bugbog sakin nung lalaking iyon..
"TOK.TOK.TOK." "Bukas yan..." tugon ko sa kumakatok. Narinig kong binuksan niya ang seradura ng pinto...
"KUYAAAAAAAAAAA!" Payakap na lumapit sakin si Serra. Nginitian ko na lang siya. "Kuya naman e! Ba't kase nagpakabayani ka pa dun? Ayan tuloy nasikmuraan ka pa! Dapat binigay mo na lang e!" pangaral ni Serra na ikinagulat ko. Pero napangiti na lang ako... Kung sino man ang nag-imbento ng palusot na yun bahala na... Sinakyan ko na lang! Maigi na to! Ayoko nang pag-alalahin pa sila. Good thing nga e. Wala si Mom. Nag-out of town. Business trip daw.
FASTFORWARD.
Pagpasok ko sa School, dumiretso na ko sa room ko at tinanaw ang panghuling upuan sa tabi ng bintana. Wala si Ms. Physics, mukhang di siya papasok. Naupo na ko sa tabi ng bakanteng upuan. Bakit parang nalulungkot ako na wala siya? Siya nga reason ba't ako nabugbog e :3 She made my First day of Class very Rude.
Maya-maya, dumiretso na ang teacher namin. Magsisimula na ren nun magsalita si Sir ng biglang may kumatok at pumasok sa room. I thought it was Ms. Physics, but I was wrong. Medyo nadissapoint pa ko. It's a New Classmate.
"I'm Ashley Camille Mendez." She wink. Nagulat ako ng maghiyawan silang lahat sa room. It seems na kilala siya ng lahat. Transferee daw siya pareho kami, pero dito na siya galing before. Kaya siguro kilala. Nung maghanap siya ng mauupuan, nakita kong sa bandang tabi ko siya nakatingin. Bago pa ko makareact nakalapit na siya..
"Can I sit here?" I nod. She occupy the sits of Ms. Physics.
I'm not Comfortable na hindi si Ms. Physics and nandiyan sa tabi ko.
AFTER CLASS.
I was walking in the hallway when I saw my New Classmate again.
Maraming nagpapapicture sa kanya at nagpapa-autograph. "Hi, Seatmate!" Nginitian niya ko. I nod at her as a response at dumiretso na ko sa Elevator.
Doon may narinig akong dalawang First year student na nag-uusap...
"Nagbalik na pala si Ash?"